Balot na balot ako ng kumot at lamig na lamig. Nanginginig ang aking katawan at para bang tamad na tamad akong tumayo ngayon. Hindi ko matandaan kung binuksan ko ba kagabi ang aircon dahil bigla na lang akong nakatulog kagabi at hindi na rin ako nakakain ng hapunan dahil para bang pagod na pagod ako kahit na wala naman akong ginawa maghapon at nagkulong lamang sa kuwarto.
Pinilit kong tumayo sa kama at napahawak pa ako sa bandang puson ko dahil sa kirot na nararamdaman ko sa bandang ibaba ko. Kahapon pa ako hindi makakilos ng maayos dahil sa iniinda kong sakit sa aking p********e.
Dahan-dahan akong tumayo at paika-ika pa ang lakad ko hanggang sa makarating ako sa banyo. Nakahawak ako sa may bandang puson ko dahil sobrang sakit ang nararamdaman ko ngayon sa aking p********e. Umupo ako sa bowl para umihi at nakita kong may bahid pa ng dugo ang panty ko.
Napahawak na lang akong bigla sa pader habang umiihi maging sa pag-ihi ko ay nakaramdam ako nang hapdi at parang gusto ko na lamang itong pigilan. Napaluha na lang ako dahil hindi ko makaya ang sakit nito at ang dahilan ay ang pagkawasak ng aking p********e.
Nang matapos akong magbanyo at magpalit ng aking damit ay nagtungo ako sa kusina kahit na hinang-hina ako ay pinilit ko pa ring maglakad. Wala akong ganang kumain ngayon ang gusto ko lang ay uminom ng tubig dahil parang natuyuan ako ng laway. Sobrang sama ng pakiramdam ko at parang ilang sako naman ang nakadagan sa’kin. Hindi na muna ako papasok at tatawagan ko na lang muna si Jhauztine at tiyak nag-aalala na rin siya sa’kin dahil simula noong nagpunta kami sa bar ay hindi ko na siya nakausap.
Bumalik ako sa aking kuwarto at kinuha ang cellphone ko na nakapatong sa side table at sinimulan nang tawagan si Jhauztine. Matagal bago niya ito sagutin at inisip ko na lang baka may klase pa ito. Pero nang tingnan ko ang orasan ay alas-diyes na nang umaga at break time na namin. Ibababa ko na sana nang sagutin na niya ito.
“Hello.” Napakunot ang aking noo dahil parang hindi si Jhauztine ang kausap ko ngaun.
Parang walang bahid nang pag-aalala ang boses niya. Hindi tulad noon na kapag isa o dalawang araw pa lang na hindi kami nagkikita o nagkakausap ay kaagad niya akong tatawagan at minsan pa nga ay nagagalit siya sa’kin kapag hindi ako nagpaparamdam sa kan’ya. Pero ngayon parang ang lamig nang pakikipag-usap niya sa’kin kahit na isang salita pa lang ang binibigkas niya.
Ipinagkibit balikat ko na lamang ito dahil baka ako lamang ang nag-iisip ng ganoon sa kaniya. Magsasalita na sana ako nang tawagin siya ng isang pamilyar na boses ng babae. Hindi ako puwedeng magkamali, kilala ko ang boses na ‘yon. Pero bakit sila magkasama ni Cristel ngayon?
“Hoy Jhauztine let’s go!” yaya na nito sa kan’ya.
“S-sige s-susunod na ‘ko,” sagot naman niya rito. “Sorry Trinity nagmamadali ako may gagawin pa kasi ako eh.”
Bago niya putulin ang tawag ay tinanong ko pa siya. “Sino ‘yon Jhauztine?”
“Sinong tinutukoy mo?”
“Iyong tumawag sa’yo. Para kasing pamilyar ‘yong boses niya eh”
“Ah, iyon ba? Kaibigan siya ng classmates natin kakakilala ko lang sa kan’ya kanina. Sige na Trinity mag-usap na lang tayo mamaya ah!” Hindi na ako nakapagsalita pa nang ibaba na niya ang tawag.
Napabuntong hininga na lang ako at muling nahiga sa aking kama. Gusto ko lang matulog maghapon at sana paggising ko ay ayos na ang aking pakiramdam.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog at tumingin pa ako sa bintana ng kuwarto, gabi na pala at masyado yatang napahaba ang tulog ko. Tatayo na sana ako nang maramdaman ko ang bimpo na nakapatong sa aking noo, kinuha ko naman ito at tinitigan. Wala akong maalala na naglagay ako ng bimpo sa aking noo at hindi ko alam na nilalagnat na pala ako kanina dahil mas ramdam ko ang hapdi sa aking hiyas.
Narinig ko ang pagpihit ng seradura kaya muli kong inilagay ang bimpo sa aking noo at ipinikit ko ang aking mga mata. Naramdaman ko na umupo siya sa gilid ng kama ko at tinaggal ang bimpo at inilagay ang palad niya sa aking noo.
“Hindi na siya masyadong mainit.” Pakiwari ko’y may kausap siya sa kan’yang telepono. “Okay fine I’ll do it.” Mabilis siyang tumayo at muling lumabas ng kuwarto.
Marahan akong tumayo at naupo sa gilid ng kama. Nakita ko pa ang isang planggana na may tubig at napatulala na lang ako dahil mukhang kanina niya pa ako binabantayan. Ilang minuto pa ang lumipas ay bumalik na rin siya sa kuwarto at nakita kong may dala na itong tray na may lamang pagkain.
Inilagay niya ito sa kama at muling hinawakan ang aking noo. Nanlaki ang mga mata kong nakatitig sa kan’ya at pakiramdam ko naman ay parang hindi si Gascon ang kaharap ko ngayon. Nang ibaba niya na ang kaniyang kamay ay tumingin pa ito sa’kin at napaiwas na lang ako nang tingin sa kan’ya.
“You should eat first and drink your medicine,” seryosong saad niya.
“S-salamat.” Kukunin ko na sana ang pagkain nang kunin niya ang kutsara’t tinidor at naglagay ng kanin at ulam sa kutsara.
“Here.” Gulat akong napatitig sa kan’ya nang akmang susubuan niya ako.
“A-ako na lang kaya ko naman”
“Let me at ‘wag na matigas ang ulo mo. You’re sick and it’s my fault”
“H-ha?
“Open your mouth dahil nangangalay na ‘ko,” may halong inis na wika niya.
Sinunod ko naman siya at sinubo na sa’kin ang pagkain. Wala akong panlasa ngayon dahil siguro may sakit ako pero pinilit ko pa ring kumain dahil ayokong magalit na naman siya at baka mangyari na naman ang nangyari sa’min.
Nang maubos ko na ang pagkain ay siya na rin ang nagligpit nito at lumabas na ng kuwarto. Nakaupo lang ako sa kama at sinandal ang aking likod sa head board at kinuha ang aking telepono. Nalungkot akong bigla ng wala man lang text o tawag si Jhauztine sa’kin. Minsan kasi kapag alam niyang hindi ako makakapasok panay text o tawag siya sa’kin at kinukumusta ako. Pero ngayon parang may kakaiba sa kan’ya na ipinagtataka ko.
Nagalit kaya siya sa’kin dahil iniwan ko na lang siyang basta sa bar? O dahil hindi man lang ako tumawag sa kan’ya? Napaiyak na lang ako dahil sa isipin kong iyon dahil siya lang ang kaisa-isa kong kaibigan na parati kong karamay sa lahat ng oras.
“Are you okay?” Napapitlag ako nang magsalita si Gascon na ngayo’y nakasandal sa hamba ng pintuan.
Mabilis kong pinunasan ang aking luha at siguro’y kanina niya pa ako pinagmamasdan ng hindi ko namamalayan dahil na kay Jhauztine ang aking isip. Lumapit siya sa’kin at naupo sa aking tabi. Nagulat na lang ako nang yakapin niya ako at hinagod pa ang aking buhok.
“You should take a rest,” bulong niya sa’kin.
Ang lakas nang t***k ng puso ko dahil sa bigla na lamang niya akong niyakap at para bang mas lalo akong lalagnatin nito dahil sa ginagawa niya sa’kin ngayon. Hindi ko siya maintindihan kung bakit bigla na lang siyang bumait sa’kin na parang walang ginawang hindi maganda.
Pigil na pigil ang aking paghinga at para bang isa akong tuod na hindi makagalaw sa aking puwesto habang yakap-yakap niya ako. Iyong amoy niya ay parang natural na lang sa aking pang-amoy na gusto kong langhapin na parang isa akong adik.
Hindi pa ako na in-love sa kahit na sinong lalaki at sisiguraduhin kong hindi ako magkakagusto sa isang katulad niya na mamamatay tao at parating masusunod ano man ang gustuhin niya. Kailangan ko munang magpaka-bait sa kan’ya at kunin din ang loob niya ng sa gayon ay magkaroon siya ng tiwala sa’kin at magkaroon din ako nang pagkakataong mahanap ang aking ama at kapag nangyari ‘yon ay tatakas ako sa kan’ya at mamumuhay kami ni papa malayo rito sa syudad.
Kumalas siya sa’kin nang pagkakayakap at hinaplos ang aking mukha. Dumako ang titig niya sa aking mga labi at pinasadahan niya pa ito ng kaniyang hinlalaki. Naka-ilang lunok pa ako at lihim na napakuyom ng aking palad nang unti-unti niyang inilalapit ang mukha niya sa aking mukha. Nang akmang hahalikan na niya ako ay bigla namang pumasok ang isang lalaki na wari ko’y isa sa mga tauhan niya.
Pansin ko ang kaniyang pagka-inis nang harapin niya ito at bahagyang lumayo sa akin. Narinig ko pa ang kaniyang pagbuntong hininga at sandaling tumingin sa akin at muling binalingan ang kaniyang tauhan na nakatayo sa may pintuan.
“N-naku boss sorry po, sige po ituloy niyo na mahirap pa naman kapag nabibitin. Lalabas po muna ako.” Akmang tatalikod na ang lalaki nang padabog namang tumayo ng kama si Gascon.
“Don’t you know how to knock?” Mahinahon ngunit may galit sa kaniyang boses.
“Pasensiya na boss hindi ko naman kasi alam na balak mong sumeg-way eh”
“f**k,” may diing mura niya rito.
“Tapos na po pala ‘yong pinapagawa mo kaya pala ako nandito”
“Okay susunod na ‘ko.” Pagkasabi niyang iyon ay lumabas na ang kaniyang tauhan at binalingan naman ako nang tingin.
Hindi ako makatingin sa kan’ya ng deretso dahil na rin sa kaba at para bang mas lalo akong nilagnat dahil sa naganap kanina. Umayos ako ng aking pagkakaupo at hindi ko pa rin siya tinitingnan.
“I’ll be right back.” Umalis na rin siya at tuluyan nang lumabas ng kuwarto.
Napabuga na lang ako nang malakas sa hangin at doon lamang ako malayang nakahinga nang maluwag. Para akong kakapusin ng hininga kanina dahil sa sobrang kaba. Ano bang nakain ni Gascon at bigla siyang naging maamong tupa?
Bigla na lang akong napatapik sa aking noo nang maalala ang mga naganap sa amin noong nakaraang gabi. Pagkatapos noon ay para na siyang hindi mabangis na hayop na handang manakmal ano mang oras.
Muli akong nahiga at bumalik na lang sa aking pagtulog dahil kung may balak pa ngang bumalik dito si Gascon ay tulog na ‘ko dahil ayoko rin naman siyang makausap at makaharap. Pinilit ko na lang matulog para kinabukasan paggising ko ay nakaalis na siya dahil hindi rin ako makakakilos ng maayos nito kapag nasa paligid siya.
Nagising ako na para bang may mabigat sa aking baywang kaya bahagya kong iminulat ang aking mata at muntik pa akong mapasigaw nang mabungaran ko si Gascon na nasa aking tabi at tulog na tulog. Muli ko pang ipinikit ang aking mga mata dahil baka nananaginip lamang ako at bumilang pa ako hanggang lima para idilat kong muli ang aking mga mata. Hindi ito isang panaginip kun’di totoong nasa tabi ko siya at nakayakap sa akin.
Anong ginagawa ng halimaw na ito at bakit siya nandito sa kuwarto ko? Wala ba siyang kuwarto at dito pa siya nakitulog sa kuwarto na may kuwarto? Oo nga pala bahay niya ito at may karapatan siyang pumasok dito kahit nga galawin ako ay puwede niyang gawin ano mang oras dahil pag-aari na niya ako.
Dahan-dahan kong tinanggal ang braso niya na nakayakap sa aking baywang at tatayo na sana ako nang muli niya akong yakapin at idinikit pa sa kan’ya. Napasinghap pa ako at ngayon ko lang napagtanto na wala pala siyang ano mang damit pang-itaas.
Napataas bigla ang kilay ko nang dumako ang tingin ko sa kaniyang mga labi. Ngayon ko lang din napansin na kahit na bigotilyo ito ay hindi mapagkakailang mapula ang mga labi niya. Bigla kong naalala ang mga halik niya noong gabing iyon. Napailing na lang ako sa aking naiisip at napatingin bigla kay Gascon na ngayo’y gising na.
“What are you looking at?” Namilog ang mga mata ko at hindi malaman ang aking gagawin.
Mabilis akong napatayo sa pagkakahiga at bababa na sana ng kama ng haklitin nito ang braso ko at walang kahirap-hirap niya akong nailagay sa kaniyang ibabaw. Mahigpit akong napahawak sa dalawa niyang braso at sobrang lapit na ng aming mukha. Itinaas niya pa ang aking mahabang buhok na tumatakip sa kaniyang mukha.
“A-ano b-bang ginagawa mo?” nauutal kong sambit sa kaniya.
“I’m asking you, what are you looking at?”
“H-ha? W-wala naman akong tinitingnan ah”
“You want a morning kiss?” Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niyang iyon at hindi ko malaman sa sarili ko kung maiinis ba ako o sasang-ayon na lang dito.
Naramdaman kong bigla ang matigas na bagay sa bandang puson ko at napagtanto kong bigla kung ano ‘yon. Mabilis akong tumayo sa kaniyang ibabaw at hindi ko napansin na mahuhulog na ako sa kama kaya naging mabilis ang pagkilos niya at kaagad niya akong nahila at siya naman ang pumaibabaw sa akin.
Iyong kaninang normal lang na t***k ng puso ko ay ngayo’y nagiging abnormal na at nawawala bigla sa ayos. Kung nakamamatay lang ang kaba malamang kanina pa ‘ko namatay ng dahil sa kan’ya.
“You will see the real me and monster in bed when the day comes, so be ready baby Trinity and I won’t stop until you beg for more.” Tumayo na siya sa aking ibabaw at ako nama’y bigla na lamang napatulala sa kawalan. “Get up I’m gonna cook our breakfast.” Hindi ko na namalayang nakalabas na siya ng kuwarto at wala ako sa sariling napahawak sa aking dibdib.
Tumayo akong bigla at huminga nang malalim upang pakalmahin ang aking sarili na kanina pa nanginginig sa kaba. Sinuntok ko pa ang aking dibdib na baka sakaling bumalik sa normal ang t***k nito.
“No, no, no! Calm down Trinity. Isipin mo ang ama mo hindi ang puso mo, huwag kang maging tanga dahil lang sa pinapakita niyang kabaitan sa’yo. Kailangan mong makatakas oras na magtiwala na siya sa’yo,” wika ko sa aking sarili habang nakahawak sa aking dibdib.