Pagmulat ko ng aking mga mata ay parang binibiyak naman ang ulo ko na para bang minamartilyo sa sakit. Akmang tatayo na sana ako sa pagkakahiga nang kumirot ang ibabang bahagi ko kaya naman napangiwi ako at napahawak pa rito. Napansin ko na lang na nakasuot na ako ng puting kamison at halata ang aking n*****s dahil sa wala akong suot na bra at marahil si Gascon ang nagsuot sa akin nito kagabi noong makatulog na ako.
Napansin ko naman ang isang bahid ng dugo sa bedsheet at isa lang ang ibig sabihin nito, magsisi man ako ay huli na at hindi na maibabalik pa. Napapikit na lang ako nang mariin at nilibot ang kabuuan ng kuwarto at wala itong masyadong gamit kumpara sa condo na tinitirhan niya.
Bumalik ako sa aking pagkakahiga dahil sa kumikirot ang hiyas ko at masasakit din ang aking katawan at parang hindi ko yata kakayaning maglakad. So, totoo nga ang sinabi niya sa’kin noon at ito nga ang naging resulta.
Bigla namang bumukas ang pintuan at nakita ko si Gascon na may hawak na isang tray ng pagkain at wala rin itong suot na pang-itaas at tanging boxer shorts lang niya ang kaniyang suot. Napaiwas naman ako nang tingin at ibinaluktot ko na lang ang aking mga hita at ipinantakip ko naman ang aking mga braso sa aking dibdib para lang hindi niya makita ang bakat kong mga n*****s.
Inilapag niya sa side table ang tray at umupo sa aking tabi. Hindi ko pa rin siya sinusulyapan at nagulat na lang ako nang halikan niya ako sa aking noo kaya mabilis napabaling ang tingin ko sa kan’ya. Seryoso lang siyang nakatingin sa’kin at ako nama’y parang huminto ang aking paghinga.
“I prepared your breakfast you should eat first,” mahinahon niyang saad sa akin.
Nagtaka naman ako dahil kagabi lang ay para siyang isang mabangis na hayop na kayang pumatay ano mang oras. Pero ngayon ay parang balewala lang sa kan’ya kung ano ang ginawa niya sa’kin kagabi at kung paano niya ako wasakin.
“B-busog pa k-kasi ako eh,” pagdadahilan ko na lang.
Ang totoo niyan ang nagugutom na rin ako at ayoko lang na makasama siyang kumain at ayokong mahalata niya na masakit ang buong katawan ko.
“Should I feed you? Or, feed me with your sexy body? You choose Trinity.” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa kaniyang sinabi at nasisiguro kong gagawin niya kung ano man ang sinabi niya.
Mabilis akong tumayo ngunit napahawak ako nang mahigpit sa braso niya dahil sa pagkirot na naman ng aking hiyas at napakagat labi pa ako dahil parang may kung anong hapdi roon na hindi ko maipaliwanag.
Inalalayan naman niya akong makatayo at maupo sa gilid ng kama, kinuha naman niya ang tray at inilagay sa tabi ko. Nasa dibdib ko pa rin ang mga braso ko at ingat na ingat kong makita niya itong muli.
“What’s that?” tanong niya na nakataas pa ang isang kilay.
“H-ha?”
“I already saw that Trinity, you don’t have to cover yourself,” sabay ngisi niya sa akin.
“Bakit kasi hindi mo ‘ko nilagyan ng bra?” inis ko namang saad.
“That’s my intention. I want to see it again.” Nagpakurap-kurap ko siyang tinitigan at pagkuwa’y inilapit niya pa ang mukha niya sa akin kaya bahagya akong napalayo.
“That’s only the beginning babe. Ayokong puwersahin ka because you’re a virgin, you will see my beast side soon.” Pagkasabi niyang iyon ay saka lamang siya lumayo sa’kin at tumayo na sa kaniyang pagkakaupo. “After you eat, take a bath so we can go home.” Bago pa siya lumabas ng kuwarto ay tiningnan niya muna ako mula ulo hanggang paa at pinasadahan niya pa ng dila ang ibabang labi niya.
Wala ako sa sarili kong napalunok na lang at tuluyan na siyang nakalabas. Doon lamang ako nakahinga nang maluwag at hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako sa tuwing magkakaharap kaming dalawa.
“P-papa, nasaan ka na ba? Tuluyan mo na ba akong kinalimutan?” sabi ko sa aking sarili habang nakatanaw sa labas ng bintana habang nakaupo ako sa gilid ng kama.
Hinimas ko pa ang kuwintas sa aking leeg na bigay pa sa akin ng aking ama bago kami maghiwalay. Ito na lang ang alaala niya dahil nawala na ang nag-iisa naming litrato na isa rin sa mga iniingatan ko.
Mabilis kong tinapos ang pagkain ko at sinimulan ko namang maligo. Paika-ika akong nagtungo roon at pakiramdam ko naman ay parang namamaga ang aking p********e at tila lalagnatin din ako. Pinilit ko na lang ang sarili ko dahil gusto ko na ring makauwi at makapagpahinga ng maayos.
Pagkatapos kong maligo ay naabutan ko naman sa ibabaw ng kama ang isang damit at pantalon. Mayroon na rin itong panty at bra na wari ko’y si Gascon ang nagdala noon. Napabuntong hininga na lang ako dahil tila alam na alam niya kung ano ang sukat ko maging sa bra at panty.
Inuna kong isuot ang bra at sinunod ko naman ang panty ko. Ngunit nasa paanan ko pa lang ito ay ramdam ko pa rin ang hapdi ng aking hiyas kaya napaupo muna ako sa dulo ng kama. Parang gusto kong maluha at murahin si Gascon dahil sa ginawa niya sa aking ito.
Maya-maya pa ay pumasok naman si Gascon at naabutan niya ako sa ganoong ayos. Tinanggal ko muna ang panty na nasa aking paa at umiwas nang tingin sa kan’ya. Ramdam ko ang paglapit niya at kinuha niya ang hawak kong panty at lumuhod sa harapan ko.
Gulat ko naman siyang tinitigan at siya na rin ang naglagay nito at ramdam ko ang balat niya sa aking hita habang unti-unti naman niya itong itinataas.
Huminto muna siya saglit at tiningala ako. “You want me to continue? Or ikaw na ang magsusuot nito?” Naramdaman ko ang palad niya na marahang humihimas sa aking hita kaya napakagat labi ako at napapikit na lang.
Hinawakan ko ang kamay niya at tinanggal ito sa aking mga hita at pagkuwa’y tumayo na rin siya. Nakayuko lang ako at narinig ko na ang pagsara ng pintuan hudyat na nakalabas na siya ng kuwarto.
Nang matapos na akong magbihis at ayusin ang aking sarili ay nagpasya na rin akong lumabas ng kuwarto. Dahan-dahan lang ang aking paglakad dahil sa sobrang hapdi ng aking hiyas at nakahawak pa ako sa may bandang puson ko.
Pinagmasdan ko ang buong paligid at hindi ito pangkaraniwang bahay lang. Wala masyadong gamit at malawak rin ito, naisipan ko namang bumaba baka naroon si Gascon. Napahinto ako sa paghakbang nang mabungaran ko siya sa labas malapit sa pool at nakatalikod.
Alam kong siya ‘yon base na rin sa kaniyang tinding at suot niyang damit. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at napatutop ako ng bibig nang makita ko na tinutukan niya ng baril ang isang lalaki na nakaluhod sa kaniyang harapan. Hindi ko makita ang kaniyang itsura kaya naman gumilid pa ako para lang makita kung sino ito.
Napa-atras pa ako nang bahagya nang makilala kung sino ang lalaking tinutukan ng baril ni Gascon at nakapalibot pa sa kaniya ang ilang mga tauhan nito. Siya ang lalaking bumastos sa’kin sa bar kagabi.
“You want me to kill you right away or tell me who ordered you to do that to Trinity?” Pansin ko kay Gascon ang galit sa kaniyang mukha at nagtaka naman ako dahil sa sinabi niyang may nag-utos sa kaniya na bastusin ako.
“Kahit patayin mo pa ako wala kang mapapala sa’kin at walang nag-utos sa’kin”
“Okay I’ll kill you then.” Bago niya pa ito iputok ay mabilis akong lumapit sa kan’ya.
“Gascon! What do you think you are doing?!” sigaw ko nang makalapit na ako.
Kunot-noo niya akong tinitigan at dahan-dahan naman niyang ibinaba ang kaniyang baril. Sinulyapan ko pa ang mga tauhan niya na may mga hawak ding armas at muli kong binalingan si Gascon.
“What are you doing here? You’re not supposed to be here”
“Gan’yan ka ba talaga?” inis kong sambit sa kaniya.
“What?”
“Mannerism mo na ba ang pumatay?” Bumuga muna siya sa hangin at bahagyang lumapit pa sa akin.
Medyo kinakabahan na ako dahil sa awra niyang iyon pero hindi ko ito pinahalata sa kan’ya at deretso lang ang tingin ko sa kan’ya.
“I’ll kill if they touch what’s mine.” Lumayo siya sa’kin at muling binalingan ang lalaking nakaluhod at nakatali ang mga kamay sa kaniyang likod.
“What if I ask you not to kill him?” Umigting ang panga niya at nanliit ang kaniyang mga mata dahil sa aking sinabi.
“What’s the reason? You like him?”
“Dahil hindi makatao ‘yang ginagawa mo!” Muli siyang lumapit sa’kin at hinawakan ang aking pisngi.
“I’m not going to kill him but in one condition”
“A-ano ‘yon?”
“Susundin mo lahat ng gusto ko, understood?” Matagal bago ako nakasagot at nakatitig lang ako sa kaniyang mga mata.
Ewan ko ba kung bakit biglang nag-init ang pisngi ko nang dumako ang tingin ko sa kaniyang mga labi. Naalala kong bigla kung paano niya ako halikan at kung paano niya panggigilan ang mga labi ko na siyang unang nakatikim nito. Wala ako sa sarili kong tumango na lang sa kaniya at nag-iwas nang tingin at napahawak akong bigla sa aking dibdib dahil biglang lumakas ang kabog nito.
“L-let him go. Hindi ko gustong pumatay ka ng walang mabigat na dahilan”
“Release him,” utos niya sa kaniyang mga tauhan. Hinarap niya ang lalaki na ngayo’y nakatayo na sa kaniyang harapan. “I don’t want to see your face anymore or else I will kill you in one shot.” Pagkasabi niyang iyon ay tinalikuran na niya ito at hinawakan ako sa aking kamay at hinila na palabas ng bahay.
Tahimik naman kami sa loob ng sasakyan habang tinatahak ang daan pauwi. Habang ako ay hindi mapakali dahil medyo kumikirot pa rin ang ibabang bahagi ko lalo pa’t pantalon ang suot ko. Napapakuyom na lang ako ng aking palad at medyo namamawis na rin ang mga palad ko kahit na malamig naman dito sa loob ng sasakyan.
At nang makarating na kami ay nauna na siyang bumaba at sumunod na rin ako sa kaniya. Nauna naman siyang pumasok sa loob ng building at ako’y dahan-dahan lang ang lakad ko dahil pakiramdam ko ay para akong inoperahan sa matres nito.
Napahinto ako sa aking paglalakad nang mapagtanto ko na nasa aking harapan na si Gascon at ang dalawang kamay ay nasa bulsa ng kaniyang pantalon. Tumikhim ako at sa ibang direksyon tumingin dahil sa pagkakataong ito ay hindi ko na kayang salubungin ang mga titig niya dahil sa nangyari kanina.
“Is it painful?”
“Ha?!” Mabilis akong napabaling sa kaniya at hindi malaman ang aking isasagot.
Nagulat na lang ako nang buhatin niya ako na para bang isang bagong kasal. Pagkabukas ng elevator ay kaagad naman kaming sumakay roon at pinindot niya ang floor kung saan ang kaniyang unit.
Kami lang dalawa ang sakay noon at wala ni isa sa amin ang nagsalita. Tanging t***k lang ng puso ko ang naririnig ko at deretso lang ang aking tingin.
“P-puwede bang ibaba m-mo na ako?” pakiusap ko sa kaniya na hindi man lang siya tinitingnan.
“Ayoko.” Napatingin akong bigla sa kan’ya na nakatingin naman sa mga labi ko.
“A-ano k-kasi__”
“Should we do it right here?” putol niya sa aking sasabihin.
“Ano?!” sigaw ko naman sa kaniya.
Kaagad niya akong binaba at sinandal sa pader na ikinagulat ko. Ang dalawang kamay niya ay nakatukod sa magkabilang gilid ko at mataman siyang nakatitig sa akin.
“Someday Trinity we’re going to do that thing here in the elevator. You should practice how to scream my name coz I’m going to mark your p***y until you c*m out.” Nang tumunog na ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na kami ay saka lamang siya lumayo sa akin.
Mabilis naman akong pumasok sa aking kuwarto at kaagad itong ni-lock. Napasandal na lang ako sa likod ng pintuan at sapo ko ang aking dibdib at mabilis ang aking paghinga. Hindi ko lubos maisip at akalain na titira ako kasama ang isang mamamatay tao na katulad ni Gascon Montealegre. Napaupo na lang ako sa sahig at tinanggal ko ang kuwintas na suot ko at binuksan ito na may picture namin ni papa noong maliit pa lang ako.
“P-pa, bumalik ka na please namimiss na kita.” Kasabay naman no’n ay ang pagpatak ng aking mga luha at tinakpan ko pa ang aking bibig para pigilan ang aking paghagulgol.