JIRO "Paano ka nakakasigurong akin yan huh?Hindi mo ba ako niloloko?" Galit kong hinarap ang aking secretary dahil pinagpipilitan niyang nabunti ko siya. "Di ba may nangyari sa atin. Anak mo to Jiro." "Damn it! Hindi ko anak 'yan kung talagang anak ko yan ipa-DNA natin 'yan." Tumulo ang kaniyang luha. "Bakit pa Jiro? Bakit kay Rein hindi mo naisipan na ipa-DNA?" Naiiyak niyang sambit "Magkaiba kayo ni Rein! She is my wife and you----"Hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil naiinis ako sa kanya at maging sa sarili ko wala akong matandaan na may nangyari sa amin ng gabing iyon nalaman ko na lang nagising akong katabi siya. Patuloy pa din itong umiiyak sa harapan ko. "Ipa-DNA ko 'yan sa ayaw at sa gusto mo." Iniwan ko siyang umiiyak. Ang gusto ko lang ay makausap si Rein.