ANG MGA SINASABI ni Lior sa Calapan ay naririnig din ni Saber mula sa lugar kung nasaan siya. Nararamdaman din niya ang mga ginawa nito at maraming mga tao na naman sa panahong ito ang nasakripisyo para sa pagbabagong ninanais niya. Kalmado lang siya nang oras na iyon at makikitang nakaupo siya habang nakalutang sa itaas ng nakadapa na si Sandra na ilang oras na rin nang gawin ang pagpa-plank ng walang alisan. Sa itaas nga ng dalaga nagme-medidate si Saber na ikinaiirita naman ni Sandra. May kasama ring pagkailang ito para sa dalaga… Pero kung si Saber naman daw ito ay mukhang wala namang malisya ito para rito. “Kaso… Paano naman ako? Gusto na talaga kitang tirisin Saber!” sigaw na nga lang ng dalaga sa kanyang sarili at makikitang tagaktak na ang pawis niya nang oras na iyon. Pagkatapos