PINAKAWALAN na nga ni Zordik ang kanyang kapangyarihan para patayin ang babaeng nagtataglay ng medalyon ni Datu Puti, subalit nang kumawala na iyon ay bigla na lang siyang napaseryoso nang isang malakas na suntok sa mukha ang kanyang tinamo mula sa isa pang kalabang biglaan na lamang lumitaw. Isang malakas na hangin rin ang kumawala roon at makikita ang pagkagulat ni Sandra nang lumitaw si Saber sa kanyang harapan. “Bakit ka ba natatakot na labanan ang mga ito? Mabuti na lang at dumating ako,” seryosong winika ni Saber na makikitang may dugo pang tumutulo mula sa kanang kamao nito. Ang Elder na si Zordik naman ay nagpagulong-gulong palayo at ang dalawa pa niyang kasama na hindi pa nagpapakita ay naalarma sa biglaang paglitaw ng bulag na binata. Napatingin nga rin sila sa malayo dahil sa p