KADILIMAN, katahimikan at kawalan ang bumabalot sa sarili ni Saber habang nakalutang ang kanyang katawan sa isang lugar na hindi niya alam kung saan. Ilang araw na siyang nagpapalutang-lutang sa ilalim ng dimensyon ng mga Mutants at mula rito ay hindi na rin siya makakita ng liwanag. Dahil nga rin sa pagod ay ilang araw na siyang nakatulog dito. Hindi niya malaman kung gaano na katagal iyon, isa pa, nakakaramdam na rin siya ng gutom nang mga oras na siya nga ay tuluyan nang magising. Wala na siyang ganang kumilos, isa pa… Biglang bumalik muli sa kanya ang nangyari sa mga kasamahan niya. Nanalo nga naman sila laban kina Lior, pero marami ang nai-sakripisyo ng digmaang iyon. “Babalik pa ba ako sa dimensyon ng mga mortal? O mananatili na lang ako rito?” “Ang mga Eternity… Batid kong papabo