Kabanata 85 "Uuwi ako ngayon pero hindi ko alam kung mag-uusap kami." "Okay," anito at niyakap siya ng mahigpit. "Kung puwede lang sana hindi ka na umuwi kaso hindi puwede." Tiningala niya ito. "Bakit naman hindi puwede?" "Silly! Baka hanapin ka ng Papa mo Nica." Ngumuso siya. Hindi na rin naman na ito nagsalita pa at nanatili lamang na nakayakap sa kanya. HANGGANG sa inabot na sila ng gabi. "Love?" basag nito sa matinding katahimikan. "What's your decision?" Huminga siya ng malalim. "I'll go home, seriously," aniya at agad siyang tumayo. "Okay," wika naman nito at tumayo na rin saka hinawakan ang kanyang kamay. Sabay na silang lumabas at nang nasa lobby na sila ay kinuha niya ang kanyang mga gamit. Nagpaalam na rin siya kay Linda. Pagkatapos niyon ay sumakay na sa s