Kabanata 82 NANG nasa art gallery na sila ay umuna siya sa pagbaba at binuksan ang gallery. Pagkatapos ay binalikan niya si Dominica at muli itong binunat. Pagkatapos ay ipinasok niya ito sa loob, diretso sa kuwarto kung saan sila namamahinga ni Linda. Pagkatapos niyang marahang pinahiga sa kama si Dominica ay muli siyang lumabas para kunin ang binili niyang pagkain. Sunod niyang ginawa ay hinanap niya ang cover ng sasakyan. Nang makita niya ito ay agad niya itong tinabunan. Ginawa niya ito para hindi mapansin ng ilan na may luxury car na nakaparada sa harapan ng gallery. Baka kasi ma car-napped pa ito. Pagkatapos niyon ay pumasok na siya sa loob at isinirado ang gallery. Binalikan niya ang nobya. Tulog na tulog pa rin ito. Huminga siya ng malalim. Nag-aalala siya rito. Hindi man niya a