Kabanata 73 NANG nasa tapat na sila ng apartment na inuupahan ni Valentine ay agad din naman itong nagpaalam sa kanya. "See you later love," paalam nito sabay senyas sa kanya ng 'I love you'. She replied back. Pagkatapos niyon ay umalis siya nang may malapad na ngiti. Diretso na rin siyang pumasok sa kanyang opisina. "HIMALA yatang inumaga ka sa pag-uwi Val?" salubong sa kanya ni Leo. Kumunot naman ang kanyang noo at dali-daling kinuha ang kanyang cellphone sa bulsa. Shoot! Hindi pala na-send kagabi ang text message niya. Napakamot naman siya sa kanyang ulo. "Nag-text ako sa iyo kagabi. Naubusan yata ako ng load kaya heto, 'di nag-send." Ibinigay niya pa kay Leo ang kanyang cellphone. Namilog naman ang mga mata nito at napamura ng malutong. "Girlfriend mo na!?" gulat pa nitong b