RHIAN Nanlaki ang mga mata ko nang dumating sina Quinn na may katawang tao, at kasama si Maya. Nakapiring ang kaniyang mga mata habang pilit na pumipiglas. "Pakawalan n'yo siya! Huwag n'yong idamay ang kaibigan ko!" malakas pero may pagmamakaawa na sigaw ko. "Rhian! Ikaw ba 'yan?" parang nabubuhayan ang loob na tawag din sa akin ni Maya. "Ikaw ba talaga 'yan, Rhian?" "Oo, Maya-" "Tumigil ka!" mariing saway sa akin ni Baltazar. Kahit usok lang siya, feel na feel ko ang authority niya. "Huwag mo isipin na nandito ang kaibigan nang dahil sa'yo. Dahil totoong kasama siya sa mga plano namin na dukutin." "A-ano ang ibig mong sabihin?" "Marami siyang silbi sa pagtupad natin ng propesiya, anak." Napaismid ako sa pagtawag niya sa'kin na anak. Hindi ko naman kasi iyon maramdaman. Para lang s

