… JUKE’s POV … “Ano ngayon ang plano niyo kay Miss Kai, Sir? Mukhang mahihirapan kayo ngayon na isabay siya sa asawa mo, hindi tulad ng ibang naging babae mo,” tanong sa akin ni Lestre. Nandito kami ulit ngayon nakaparada sa medyo malapit sa bahay nina Kai. Kami lang dalawa dahil ayokong isama si Clipton kapag tungkol kay Kai ang aming lakad. Hindi naman dahil wala na akong tiwala sa bakla na iyon, mas komportable lang ako kay Lestre kapag sa ganitong bagay. Maybe because we are both men and I know he understands me. Saka kapag nandito si Clipton ay baka magbubunganga lang ang gagawin niya. Ayoko nang maingay dahil hindi ako nakakapag-isip nang maayos. “Para sabihin ko sa’yo iba si Kai, Lestre. Hindi ko lamang siya babae tulad ng inaakala mo,” malungkot na tugon ko. “Sorry, sir,”