… KAI’s POV … “Cut!” Ang salitang binanggit ni Mhaya sa huling bahagi ng interview namian na feeling ko ay nagbigay sa akin ulit ng hininga. Habang nagru-roll kasi ang camera ay halos hindi ko namalayan na huminga ako. It may not be obvious in the video, but the truth is I am very nervous. Pasalamat ko talaga at nairaos ko hanggang huli ang panlilinis ko sa pangalan ko sa mga mata ng mapanghusgang mga tao. Naging masama man ako dahil binanggit ko ang pangalan ni Miss Sophia ay hindi naman ako nakakaramdam ng kahit konting guilt dahil totoo naman lahat ng sinagot ko sa mga tanong. “Are you okay?” Inalalayan agad ako ni Aman. Tinulungan niya akong makatayo. Umiling ako nang tiningala ko siya bilang sagot. I am not ashamed to admit to him that I am not well because that is the truth. Na