… KAI’S POV … “ANO KAYA ANG NAKITA NI JUKE SA BABAENG IYAN? EH, MAS MAGANDA NAMAN SI MISS SOPHIA.” “KAPAL NG MUKHA NG BABAE! MUKHA PA LANG SALOT NA SA LIPUNAN!” “MAMATAY NA SANA LAHAT NG KABET! MAUNA NA ‘YANG BABAE NA ‘YAN!” “MISS SOPHIA DOESN’T DESERVE THIS! ANG BAIT-BAIT NIYANG ASAWA KAY JUKE! SANA MAHANAP NA KUNG SINO MAN ANG BABAENG IYAN NANG MAKITA NIYA ANG HINAHANAP NIYA!” “KAWAWA SI MISS SOPHIA!” Natutop ko ang aking bunganga pagkatapos ko pasadahan ang mga libo-libong commenta sa unang post na nakita ko nang nabuksan ko na ang f*******: Account ko. Grebe, hindi ko inakala na ganito kalala ang issue namin ni Juke. Iyong ibang mga comments nga ay halos hindi ko kayang basahin dahil mga below the belt na. Ang sasama talaga. At ang nakakatakot ay mga nagbabanta pa na oras na maki