... KAI's POV ... Nagising ako kinabukasan na mugto ang mga mata ko at pagal na pagal ang pakiramdam ko. Wala akong ganang bumangon kahit na gising na gising na ang diwa ko. Gusto ko pa ring humilata. Ang ginawa ko ay nakiramdam. Napansin ko kasi na parang tahimik yata ang bahay. Nagtaka rin ako kung bakit wala pang umiistorbo sa akin dito sa kuwarto. Siguro ay hindi pa bumabalik si Aman. Nagtampo na naman yata sa akin dahil nabulyawan ko siya kahapon. I suddenly felt guilty. Hindi ko iyon sinasadya sa kaibigan ko. Sobrang stress lang ako dahil sa nangyayari sa akin. Kinuha ko ang phone ko at nag-text ako sa kanya. 'WHERE ARE U?' 'Y?' mabilis na sagot niya. At isang letra lang talaga. Galit nga yata. 'SORRY KAGABI,' reply ko. Kaso ay hindi na siya sumagot. Alam ko okay na 'yon. Ma