... KAI’s POV … Isang nakakaliyo na pakiramdam ang nagpagising sa akin. Ang bigat ng katawan ko at ang sakit ng ulo ko pero gising na kasi ang diwa ko kaya kahit gustuhin ko man ay alam ko na hindi na ako makakatulog pa. I slowly opened my eyes, but because my head seemed to explode I closed again. May hangover ba ako? Saan ako nag-inom? Wala naman akong maalala? “Ugh,” naiungol ko nang pinilit ko na talagang imulat ang mga mata ko kasabay nang pagsapo ko sa ulo ko. Hinihimas-himas ko ang ulo ko na bumangon. Even getting up was hard for me. Ang bigat ng katawan ko. At nang ibaling ko sa kanan ang tingin ko ay isang kulay asul na kalangitan na nagsasalamin sa malawak na dagat ang nabanaagan ko sa may labas ng glass window ng kuwarto ko. Wait? Dagat? Mas nagkasalubong ang mga kilay k