… KAI's POV ... "Noy, pakibigay po ito sa depungal na nakusunod sa akin," puwede nang talian ang nguso ko na pasuyo ko kay Noy Henry nang nakarating na ako sa yate. Ang iniabot ko sa kanya ang debit card ni Juke. Ngayon ako nanghihinayang kung bakit hindi ko pa inubos lahat ng laman niyon. Sana binili ko na lang pala lahat ng laman kanina ng boutique or ng grocery para masira ko rin nang tuluyan ang buhay niya. Kamot-ulo si Noy Henry na inabot ang card. "Tingnan mo nga naman ang buang. Tinulungan mo na nga, siya pa galit," parinig naman ni Juke. Nanlilisik ang mga mata kong nilingon siya. Sarap niyang kainin ng buhay talaga. Pero ‘wag na dahil alam ko naman na hindi siya masarap. Nag-‘what look’ naman siya sa akin after niyang ibinaba ang mga pinamili ko. Labanan na naman kami ng