... KAI's POV ... Kabadong-kabado ako nang nakapasok kami ni Aman sa kanyang kotse. Grabe kasi ang ginawa namin makaalis lang sa OB clinic nang hindi nalalaman ni Juke na nagsinungaling kami kanina na may dadalawin lang kaming kakilala niya. Naroroon pa rin kasi ang sasakyan niya. Kunwari lang na umalis kanina pero naroon pa rin sa may kanto. Natanawan kanina ni Aman. Kumaway ako kay ate buntis na pumayag kanina na alalayan namin at kunwari kakilala namin para makaiwas sa kako ay stalker ko. Lihim na inabutan siya ng pera ni Aman pero tinanggihan naman niya. “Anong gagawin mo ngayon? Hindi ka na nakapagpa-check-up?” pagbubukas ni Aman sa usapan nang makalayo na kami sa clinic. “Kainis! Bakit ba kasi dumating ang Juke na iyon?” problemadong sabi ko. Himas-himas ko ang noo ko. “Gusto