… KAI’s POV … “Lucyle is pregnant at nagpaalam na siya sa akin nang maayos no’ng inihatid ko siya sa bahay nila that day. At si Angelo ang ama ng dinadala niya hindi ako. Aalis na sila at sa States na sila maninirahan for good kaya bawas na ang problema natin, Kai. Konting hakbang na lang ay makakapagsama tayo.” Sinsikap ng isip kong huwag siyang paniwalaan dahil paano naman mangyayari iyon. Mawala man si Lucyle ay hindi naman mawawala si Sophia. At imposible na mawala ang malditang Sophia na iyon or kahit magpaparaya man lang dahil halatang ipaglalaban talaga niya ang asawa niya, ang karapatan niya bilang isang legal wife tulad ng karamihan, kahit pa ipangalandakan ni Juke na hindi na siya mahal. “Makikipaghiwalay na ako kay Sophia. Humahanap lang ako ng magandang tyempo,” pagpapatulo