PAGKALAPAG pa lang ng helicopter ay agad na tinawagan ni Zoe ang caller. Ang dami na niyang natanggap na tawag mula kay Nicolo pero hindi na muna niya iyon sinagot. Dahil siguradong sesermunan na naman siya nito sa pagsugod niya roon nang mag-isa. "Hello, Ate Fidela. Nandito na po ako sa," nagpalinga-linga siya sa paligid para alamin ang lugar na kinaroroonan niya. Kaso wala siyang makitang karatula, "basta ho tabing dagat tapos may maliit na tindahan na Nay Corazon." "Malapit lang ho iyan sa'min dito, Ma'am Zoe. Puntahan ko na lang kayo diyan. Kulay-pula ho ang suot kong damit at may sombrerong buri," anito bago nagpaalam na papatayin na ang cellphone. Habang hinihintay si Aling Fidela ay tinawagan na rin muna ni Zoe ang kaniyang Binong Sancho. "Hello po, Ninong. Nandito na po ako sa