ARMEDAH MASAKIT na masakit ang loob ko sa mga naririnig, lalo ng sabihin ni Savannah a.k.a Lady Red, wala na raw sa bansa si Luke Ali. Ang sabi pa ay isang taon itong mawawala kaya naman tila nauupos akong kandila sa panghihina. Hindi ko man lang siya nakita bago umalis at ang huling pag-uusap pa namin ay galit ito ng aking iwanan. Kung alam ko lang na huling pagkikita namin iyon. Sapagkat walang kasiguraduhan na muling mag krus pa ang landas naming dalawa. Hindi ko na sana siya ginalit pa ng husto nagpakumbaba na lang sana ako. Siguro kahit paano naging maayos ang paghihiwalay naming dalawa. “Forget him, at ang gawin mo ay umuwi ka na muna sa Mansyon Sandoval. Sikapin mong maging maayos sa harapan ng daddy at auntie mo.” Ani Princess Maxine a.k.a Lady Monster. “Paano kung isama na nil