hindi ko alam na may graphic shop pala tong si Ken , at in fairness maganda ang mga graphic na nandito I cant deny it. He's good in designing although he is not a gay , kung sabagay hindi lang naman babae o bakla ang pwedeng maging magaling sa designing kung tutuusin mas magaling pa talaga ang lalaki pagdating sa ganito
" ikaw ba gumawa ng lahat ng to ? " tanong ko sa kanya
" hindi "
okay !! pahiya konti buti na lang kaming dalawa lang ang nandito at mabuti na lang wala dito si Coleen dahil kung hindi walang tigil nanaman sa pagbabangayan ang dalawang to , pinatawag kasi si Coleen ng dad nya dahil sa nangyari kanina buang kasi tapos tuwang tuwa pa nung pinatawag sya !! kung sabagay spoiled brat naman ee pero hindi ganun ka spoiled
ano ba yan ang boring pala dito nakakaantok
" hoy Celine ! kung tulungan mo kaya ako dito kesa sa nakaupo ka lang jan "
" sorry naman ah !! nakakatakot kasi gumalaw dito kasi baka makabasag ako edi waley na !! wala na nga akong money babayaran ko pa lahat ng mababasag ko abay pulubi ang kakalabasan ko nito "
" kung iniisip mo na makakabasag ka talagang makakabasag ka ! pero try mong ikalma yang sarili mo malaki pa ang posibilidad na hindi ka makakabasag "
kahit kelan ang lalaking to napaka bipolar !! gaya rin ni Coleen ee kaya bagay sila ... ouch !! teka bakit parang hindi ako makahinga ? may sakit ba ako sa puso ? sinabi ko lang naman na bagay sila ah !! aray masakit talaga T^T
baka naman may
may
may
may
may sakit ako sa puso ?
oo nga baka nga !! siguro dapat na akong magpacheck up , nung mga nakaraan kasi nagiging abnormal na ang puso ko
" HOY !! ANO BA HINDI KA BA TUTULONG "
" kabuti , nanjan na !! teka lang , ito naman napala bipolar "
" tsss "
cheche !! makasigaw wagas buti na lang hindi ako masyadong nagulat kung hindi ang dami ko sigurong nabasag ngayon at sigurado akong mamumulubi na kami , at baka hindi na ako makatikim pa ng karne baka toyo , mantika at asin , tubig na lang ang iulam namin ni mama !! napaka bipolar kasi ng lalaking to kanina ang bait bait tapos naging mapangbara and then ngayon masungit ang lakas maka mood swing ng lalaking to parang preggy
Mr. Ken Bipolar ! wahahaha , mahilig na nga sa candy tapos bipolar pa sana ka pa kay Andrew Oseo na !! oh di ba ? parang nangangampanya lang hahaha
" HOY CHICHAY "
" kabuti " ano ba yan kailangan ba talaga sumigaw ? nakakaasar aah " SIGAW PA " nakakaasar na =____=
" ang tagal mo kasi "
hanu raw ?
anyare dun ?
kanina lang kung makasigaw sakin kulang na lang lumabas ang lalamunan nya tapos ngayon ?
ay ewan !!
pinuntahan ko na lang sya at tiningnan ang ginagawa nya , flyers pa lang pala ang ginagawa nya tapos kung makasigaw sya sakin na magmadali ako wagas ah !!
" pagkatapos ko ilagay to buksan mo ang pinter okay ? "
" okay boss " walang gana kong sabi
nung nilagay nya na sinunod ko naman ang sabi nya sakin at pagkatapos nilagyan ko ng bond paper saka kusa na nagprint kumuha naman ako ng isang copy at binasa
PRINCESSES AND PRINCES PARTYLIST *Vote*
PRESIDENT : Celine Alvares ( Fist Brain Princess )
VICE PRESIDENT : Hanna Hansmith ( MVP Princess )
SECRETARY : Saerra Jang ( Cheer Princess )
AUDITOR : Lyka Marie Song ( Sweet Princess )
P.R.O : Trixie Munoz ( Sweetheart Princess )
BUSINESS MANAGER : Clarise Villa ( Simple Princess )
EVENT ORGANIZER : Liana Velasques ( Jornalist Princess )
PEACE AND ORDER :
1 : Roshane Kim Saavedra
2 : Mike Arellano
MUSE : Mae Lee ( Beauty Princess )
ESCORT : Joseph Almelor ( Handsome Prince )
" bakit wala ang plataporma namin dito ? "
" kasi kayo ang magpapaliwanag sa kanila nun sa campaign week baka kasi mamis understood ng mga student pag sinulat jan "
" sorry naman !! napaka bipolar mo "
" tss " sabi nya sabay iwas ng tingin sakin
" ano ? "
" tss , ewan ko sayo Chichay pasalamat ka ---- "
" ano ? "
" pasalamat ka "
" ano ? "
ano ba naman yan hindi nya tinutuloy ang sinasabi nya nakakainis na ah !!
muntikan na na akong madulas dun ah langya muntik ko nang masabi sa kanya ang nararamdaman ko , oo may feelings ako para sa kanya pero hindi pa ako sure kung ano yun maybe crush ko sya hindi baka like ko sya oo baka nga ganun !!
ibang iba kasi sya sa mga babaeng nakilala ko , sya yung tipo ng maingay na babae pero hindi nakakairita ! iba rin ang pananaw nya sa buhay masyado syang positive thinker
" Hoy ! Ken~ " paglalambing nya sakin
gustong gusto ko talaga pag tinatawag nya akong Ken , sya ang kauna unahang babae na nakapaglalambing sakin !! Itigil mo yang paglalambing mo baka mapamahal ako lalo sayo nyan
" wag kang malikot nawawalan ako ng focus sa ginagawa ko "
" naman Ken eh~ "
" isa pang pacute hahalikan na kita "
" ano ? "
" wala sabi ko mamili ka na lang jan ng pwede mong iuwi sa bahay nyo as remembrance sa shop ko "
" akala ko ba hindi sayo to ? "
nalintikan na !! oo nga pala kay Alexander nga pala to hindi kay Andrew walangya yan napadulas pa ang dila ko
" hindi nga , pero 1/4 sakin dito at ang natira sa kaibigan ko na si Alex "
" Alex ? "
" yup "
" sino yun ? "
anak ng tipaklong , ibang klase talaga ang babaeng to kahit si Alexander Skywalker hindi nya kilala , mas lalo ko tuloy syang gustong protektahan ang inosente nya
" ah hindi ka ba nagsisinungaling ? "
" hindi "
ipinagpatuloy ko na lang ang pag edit ko sa mga poster at flyers nila , buti na lang at medyo may alam ako sa pag eedit dahil kung hindi kawawa ang mga to pag nagkataon na wala ako at paniguradong si Alex ang bubulabugin nila pagdating sa ganito
nung natapos na ako hindi ko sinasadyang tingnan si Celine naglilibot libot sya sa shop at halata sa mukha nya na nag eenjoy sya sa ginagawa nyang pagtitingin tingin nung naramdaman kong titingin sya sakin iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya at ibinalik ko sa monitor
" tapos ko na "
" talaga ? " masigla nyang sabi at nag nod naman ako
" wow !! grabe you're the best Ken " sabi nya sabay yakap sakin
=/////=
hindi ko alam pero parang lahat ata ng dugo pumunta sa mukha ko
" sorry " sabi nya sabay alis sa pagkakayakap sakin
isa lang masasabi ko !! AWKWARD !! and spell it , A-N-D-R-E-W & C-E-L-I-N-E yan yun ee
" oy ang sakit kinagat ako ng langgam dito kanina pa " nagulat kami ng may biglang magsalit at nung tingnan namin
O_____O
" Co-Coleen / Twi-Twin C " sabay naming sabi
" oh ? bakit parang nakakita kayo ng multo ? dont worry wala akong nakita ay mali may nakita pala ako , bukod sa magkayakap kayo !! in fairness ah ang sweet nyo , bagay kayo *wink* " pang aasar nya samin
ang dami ko namang kamalasan ngayong araw !! una nabugbog ako , pangalawa na guidance ako , pangatlo napasubo ako dito at ang pang apat sa dinami dami ng pwedeng makakita samin ng ganun si Coleen pa
" nagkakamali ka twin C "
" huh ? eh anong nakita ko ? " pang aasar nya pa
" Coleen " sabi ko na may warning tone
" naku Andrew hinding hindi mo na ako matatakot sa ganyan mo , dont worry sating tatlo lang naman yung ginawa nyo at nakita ko " sabi nya
" tungak ! shunga lang teh ? malisya ka agad ee , hindi lahat ng nakita mo yun agad ang sagot try mo kayang magtanong minsan " sabi ni Celine
ang dalawang to pwedeng pwede talagang maging kambal parehas na parehas ang ugali parehas ang lakas mang asar at malakas mantrip
" ano Celine may napili ka na ba ? " pagbabago ko sa usapan
" ah oo eto *may kinuha* itong christmas ball na to "
" teka !! bakit si twin C lang ? ako ? "
" edi kumuha ka "
pagkatapos namin gumawa ng mga poster nila umalis na rin kami at bumalik na sa campus , wala pa rin namang pinagbago !! pinagtitinginan pa rin kami kesyo bakit daw kaibigan ko ang dalawang Princess , tss kung alam lang nila na ako ang ultimate Prince nila
" Hoy ! Ken ! ano nanaman yang pagmumukhang yan hindi maipinta ? " tanong sakin ni Celine
" ah wala to "
dumeretso na kami kung saan ang partylist room ng mga kasapi sa Princesses and Princes Partylist bawat private room kasi may mga partylist na nagmamay-ari at mnung makarating kami
" ANO BA MIKE !! KELANGAN BA TALAGA NAMING SABIHIN SAYO NA HINDI PWEDE MAGDALA NG MALALANDING BABA DITO ? " galit na sigaw ni Roshane
" oo nga naman Mike , Private room natin to at baka malay mo spy pala ang babaing yan ng kabilang partylist edi nawalan tayo ng idea " pagsang ayon naman ni Liana
grabe kinilig ako sa nasaksihan ko kanina !! hindi pa rin ako makaget over palihim pa rin akong kinikilig sa dalawa !! omagosh !! pagdating namin sa private room ng partylist ni twin C agad itong binuksan at pag bukas ng pinto
O___O
my poor eyes !! (/_)