Chapter Eighteen

1483 Words
KIAN Pagakatapos naming mag-dinner ay nagkaniya-kaniya na kami ng uwi. Uuwi na ang mga relatives ko sa kanila kaya sa sasakyan na ako ni daddy sumabay. I don't know if Beth's cousin were planning to stay overnight at their house so that they could bond or whatever. Gusto kong makausap at makasama si Beth, pero ayaw ko naman siyang ipagkait sa mga kamag-anak niya lalong-lalo na ang mga pinsan niyang gustong mag-celebrate kasama siya. Hindi ako sumama sa mga kaibigan ko. Lagi na lang akong napapasama o napapahamak kapag sumasama ako sa kanila. May asawa na akong tao at dapat sa kaniya na lang ang focus ko, bagay na netong nakaraan ay sandali kong nakalimutan. Naengganyo akong sumama sa inuman dahil birthday ng mga kaibigan ko. At pinayagan din naman ako ni Beth kaya sinamantala ko na. Pero ang hindi ko lang talaga alam na nagsinungaling sila sa akin at kay Beth nang ipagpaalam nila ako at sinabing sa bahay lang ang celebration. It was in a bar. Okay, isang beses lang naman. At saka uuwi din ako agad bago ang binigay ni Beth na oras. Nagkakatuwaan kami ng basta na lang dumating ang grupo nina Jewel. She was not even invited yet she joined us in our table. Hindi naman lingid sa akin at sa mga kaibigan ko na mula high school may gusto na sa akin si Jewel. Naging honest naman ako sa nararamdaman ko. My friends knew that I like or had a crush on someone since elementary days, until it becomes infatuation when we reach high school. Too bad she didn't like me that time anymore. Sinubukan kong makipagrelasyon. Gumamit ng mga babae pero malinaw ang usapan namin kung hanggang saan lang kami. Why didn't I try Jewel? I don't want to give her hopes kahit pa alam ko naman na malabo. Aasa lang siya at baka sa huli ako ang mahirapang makipagkalas. Knowing how freak she was. Alam ko, gago ako dahil imbes na ligawan si Beth dinaan ko sa pang-aasar at pang-iinis ang lahat. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko kung bakit natutuwa ako kapag namumula na siya sa inis. I even threatened those boys who tried to court her. Yeah, I'm a coward, jerk and impulsive. Pero sa lahat ng nangyari, hindi ako nagsisi na kinasal kami dahil sa nangyari sa amin, na kagagawan ko naman talaga. Mahal ko talaga siya. At pinangako ko sa sarili ko na hindi kami magtatapos ng college at maghihiwalay ng landas ng buhay ng hindi nagiging kami. When Jewel kissed me at the bar, binagabag ako ng husto ng aking konsensya. Maluwag akong pinayagan ni Beth na sumama sa mga kaibigan ko. Ang alam niya kami-kami lang at sa bahay lang ang celebration pero nasa bar na naman kami. Ang malala nandu'n na naman si Jewel, na halatang determinado sa kung ano mang pinaplano niyang masama. Bago pa maging komplikado ang lahat iiwas na ako. Hangga't maari iiwasan ko na ang mga kaibigan ko. May asawa na akong tao at dapat sa kaniya na lang ang buong atensyon ko gaya ng ginagawa niya. Jewel blackmailed me. This woman was a freak! Ang hirap suyuin ni Beth. Talagang kaya niya akong tiisin. Kasalanan ko dahil nagsinungaling ako sa kaniya. Pero hindi ako susuko. Hindi masasayang ang ilang taon na paghihintay ko para lang maging akin siya at ang taon na pagsasama namin bilang mag-asawa. Nasanay na akong katabi siya sa pagtulog. Those nights that she chose to stay at their house were sleepless nights. May kasalanan ako kaya kailangan kong magtiis. I will never do it again. Kaya naman nang sa wakas nagkausap na kami masayang-masaya ako. I tried to make it up for her by giving her a surprise and romantic dinner. It pained me when she told me that she prepared a surprised dinner for our monthsary. Napaka-immature ko dahil hindi ako umuwi. Sa halip, nag-inom ako dahil sa labis na inis sa sarili ko. Jewel have something against me. Tama nga siya, dapat nagsabi na lang ako ng totoo sa kaniya. Ayaw ko lang naman na bigyan siya ng sama ng loob. Pero sabi nga nila walang lihim na hindi nabubunyag. She knew. At masakit na sa iba niya ito nalaman. Kinausap ko ang mga kaibigan ko na tulungan ako para sa gagawin kong surprise para kay Beth bago ang graduation namin. Didn't know that it will turn out so bad again. Aayusin ko 'to. —— Nilinis ko ang kuwarto naming mag-asawa. Pinalitan ko ang mga punda at bedsheet. Niligpit ko ang mga kalat. Pupuntahan ko si Beth sa kanila para makausap. Na-miss ko na siyang makatabi sa pagtulog. Ang amoy niya at ang malambot niyang balat na kay sarap panggigilan. Nang masigurado kong maayos na ang kuwarto ay bumaba na ako. Sakto namang may nag-door bell. Pagbukas ni mommy ng pintuan ay niluwa doon ang mga magulang ni Beth. Napangiti ako at hinintay si Beth na pumasok pero wala siya. Naupo sila sa sofa. Agad na din akong tinawag ni daddy. Naupo ako sa pang-isahang sofa. "Ano'ng atin, balae?" tanong ni Mommy. Tumikhim ang papa ni Beth at nagkatinginan silang mag-asawa. Sa kaniyang kamay ay isang envelope na agad niyang inabot sa mga magulang ko. Napatingin sa akin si Mommy. Si Daddy ang tumanggap nito at nagbukas. He looked stunned. He look at me with a confious face. Inagaw ni mommy sa kaniya ang papel. Ganu'n din ang naging reaction ni Mommy. She look at me. Awang ang bibig, gustong magsalita pero walang salitang lumalabas sa kaniyang bibig. There was an unshed tears in the corner of her eyes. Nakaramdam ako ng kaba. Napatingin ako sa mga magulang ni Beth na hindi man umiimik gaya ni mommy ay mababakasan sila ng samu't sari emosyon. Agad kong inabot ang papel. I was shock as hell! Ano'ng ibig sabihin nito? Tumikhim ang daddy. "Bakit?" tanong niya. Bumuntong hininga ang Papa ni Beth. "Para sa ikabubuti nila. Nagpadala ako noon sa galit. Nag-iisang anak ko si Beth at babae pa. I was mad that time." Tumawa ito. "Totoo nga ang sinasabi nila na huwag magdedesisyon kapag galit ka," sabi niyang may ngiti sa kaniyang labi pero hindi ito abot sa kaniyang mga mata. "Pasensya na kayo sa padalos-dalos kong desisyon. Pasensya na, Kian." What the?! "Dahil po doon paghihiwalayin niyo kami?" Naaalarmang tanong ko. Tipid siyang ngumiti habang nakatitig sa akin. Huminga ako ng malalim. "Kung tungkol po ito sa nangyari kagabi. Hayaan niyo po akong magpaliwanag," pakiusap ko. "Kian..." Anas ni mommy. May panghuhusga ang kaniyang mga tingin sa akin. "I didn't cheat po. I swear!" Bumuntong hininga silang mag-asawa. Para bang ayaw nilang paniwalaan ang paliwanag ko. But it's true! "Kian, what did you do?" tanong ni mommy gamit ang offended na tono. "I made a surprise for her. Nakisuyo ako sa mga kaibigan ko na sunduin siya. Habang nasa resort ako at inaayos ang surpresa ko para sa kaniya. Dumating si Jewel. I was on the bathroom when she suddenly showed up naked. Nagmamadali akong lumabas ng banyo at pinapaalis siya dahil anumang oras dadating na sina Beth. Iyon po ang nadatnan niya. Pa, Ma, please. Huwag niyo naman po kami paghiwalayin." Pinunasan ko ang nangilid na luha. Tumingin ako kina Mommy at Daddy. I wanted them to help me. "Mom, Dad, hindi ko kayang mawala si Beth. I know I was impulsive. Pero hindi ko pinagsisihan nang pakasalan ko siya. Ilang taon ko siyang pinangarap." Tumingin sila sa mga magulang ni Beth. "Baka naman puwede pa nating ayusin 'to," dad said. "Hindi kami ang nagdesisyon. Beth asked us to help her with the anulment process," Beth's father said. This can't be real! "Nasaan po si Beth?" Hindi ako makapaniwalang gusto na niya akong hiwalayan. Ni hindi man lang kami nag-usap. Hindi man lang ako binigyan ng chance na magpaliwanag. Hindi nila ako sinagot. "Hindi ko pipirmahan 'yan," matatag kong sagot pero ang mga mata ko'y nagsimulang manubig. "Para sa ikabubuti niyo itong dalawa. Bata pa kayo. Patawarin niyo ako kung—" "Hinding-hindi ko po iyan pipirmahan. Asawa ko po si Beth at siya lang ang gusto kong makasama habang buhay." Nagkatinginan silang mag-asawa. Sinabihan ako ni mommy na hayaan ko na muna si Beth na mapag-isa at mag-isip. Kung kami daw talaga ang tinadhana pagtatagpuin kami ulit. At kailan naman iyon? Hindi ako maghihintay ng ilang buwan o taon para sa tadhana na iyan. She was my wife at hindi ko kakayaning hindi ko siya kasama. Tinatawagan ko siya pero hindi niya sinasagot. Her mother handed me a small piece of paper with a note. Sulat kamay ito ni Beth. Maiksi lang ito pero ramdam ko ang bigat ng nararamdaman niya nang isulat niya ito. "Ayaw kong dumating 'yung time na mamimili ka. I don't want to be slap with the truth that you choose her over me. So, I am choosing myself."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD