Ilang beses ng nagpakawala ng buntong-hininga si Christian habang pasulyap-sulyap sa dalaga. Kasalukuyan silang nasa byahe patungo sa Hacienda at mula ng umalis sila sa bahay ng dalaga ay tahimik lang ito habang nakatingin sa labas ng bintana. Kanina pa niya nais itong kausapin pero parang naduduwag siya dahil alam n'yang sobra itong nagalit sa kanya kanina at baka sa halip na mabawasan ay madagdagan pa iyon. At kahit isang sulyap ay pinagkakaitan siya ngayon ni Danica. And it's damn frustrating. At hindi n'ya yon kayang matagalan pa. Damn! It's my f*****g fault,- sisi n'ya sa sarili dahil alam n'yang naging over possessive na s'ya dito. Hindi n'ya kasi mapigilan at kusang lumalabas yon pag kaharap nya si Danica... Huminga s'ya ng malalim para mag-ipon ng lakas ng loob para kausapin ito.