Sobrang awkward ang nararamdaman ni Danica habang kumakain sila ng dinner ni Christian sa malaking bahay. Kung noon ay nasa harap n'ya lang ito nakaupo habang sabay silang kumain, ngayon naman ay halos magkadikit na ang katawan nila at nasa tabi na n'ya ito naka-pwesto. Kulang na lang ay subuan s'ya nito dahil ito na rin ang naglalagay ng pagkain sa plato n'ya. Para s'yang isang prinsesa kung ituring nito kaya naninibago s'ya sa mga kilos ni Christian kahit na halos isang linggo na nitong ginagawa 'yon. "May gusto ka pa ba?" malambing at nakangiti na anas nito at napailing na lang s'ya ng makitang halos punuin na nito ang plato n'ya. Lahat ng putahe ng ulam ay nasa plato na n'ya at hindi n'ya sigurado kung kaya pa n'yang ubusin 'yon. "Wala na. Ayos na to, kumain ka na rin," naiilang na