Malawak ang ngiti ni Christian ng magising siyang nakakulong sa mga bisig niya ang asawang si Danica. Nakapulupot ang mga braso n'ya sa katawan nito at ganun din ang mga braso nito sa kanya. Magkayakap sila sa ilalim ng puting kumot at kapwa mga walang saplot sa katawan. At aaminin n'yang ang nagdaang gabi na ang pinaka-maayos at pinakamahimbing niyang naging pagtulog buhat ng magkahiwalay sila ni Danica. Konti man ang oras na naitulog niya dahil nga hindi n'ya tinigilang angkinin ang asawa, pero sulit naman iyon. Nakapag-pahinga pa rin siya ng maayos at hindi katulad noon na lagi niyang iniisip kung kailan babalik si Danica dahil ngayon ay nasa bisig na ulit niya ito. Hinaplos niya ang mukha nito at hindi niya napigilan ang sariling patakan ng halik ang labi ni Danica. Sobrang saya ang n