Krizzia's POV Hindi ako nagkamali. Magiging sagabal ang babaeng 'to sa isip ko. "Kapag natalo kita, sisiguraduhin kong hindi ka na makakabangon pa." Nanghihinang sabi ni Krizzia sa isipan ko. Humarap ako sa human size mirror na nandito sa inihandog na kuwarto sa akin ni Sally. Sa salamin, nakita ko ang ang mortal at mahina na Krizzia. Ang mahinang ako. Hindi ko mapigilang ngumisi dahil hindi ako makapaniwala na may mahinang ako. "Alam mo, Krizzia? Dapat hindi ka nanlalaban na. Wala ka naman na magagawa, e. Nakakulong ka na sa isipan ko. Sa oras maangkin ko na ng buo ang katawan mo, mawawala ka na." Nakangisi kong sabi. "Hindi. Hindi ako susuko. Akin ang katawan na 'to una palang kaya akin ito hanggang sa mamatay ka." Sagot niya sa akin na ikinainis ko. "Ikaw ay ako. Ako ay ikaw. Pero