TULALA si Krizzia habang paulit-ulit na binabasa ang invitation card na natanggap niya. You are cordially invited to our grand Winter Royal Masquerade Ball. Hindi. Imposible. Sabi ni Krizzia sa kaniyang isip saka umiling. Matagal na niyang pinutol ang lahat ng kaniyang koneksyon sa mundo ng mga bampira. Napaka-imposible talaga na malaman ng mga bampira ang address niya ngayon kasama ang kaniyang kambal. "Come on, my beautiful cousin. Pumunta ka na. I think, it's time na para magkita kayo ng asawa mo. Tama na ang ilang taon na pagtatago mo dahil sa maling desisyon mo. Sa totoo nga ay hindi mo dapat ikahiya ang ginawa mo dahil kung titignan, nabiktima ka lang ng Ama ni Dylan. May pagka-manipulative din 'yon, e." Rinig niyang sabi ni Kate na kasalukuyang nag-i-enjoy na subuan ang ka