Tulala si Krizzia habang nakatitig sa labas ng apartment mula sa kuwarto ng kaniyang apartment. Tahimik niyang pinapanood ang mga bata na masayang naglalaro at nagtatampisaw sa ulan.
Umuulan.Rain bring back some memories to her. Kaya hindi maiwasan ni Krizzia ang maalala kung paano nagsimula ang lahat ng katangahan niya.
Maulan ng araw na iyon. Nasa school pa din siya. Mabilis siyang pumunta sa waiting shed at sumilong. Naaasar na pinagpag niya ang kaniyang palda na may mga talsik na ng putik. Masamang tumingin siya sa langit at nagsalita.
"Nang-aasar ka ba, Ulan? Sira na nga ang araw ko, dadagdagan mo pa. Ang bad mo! Hmp!" asar niyang sabi at chineck ang cellphone niya.
Hindi niya mapigilang mapapadyak dahil sa inis nang makitang basa ang cellphone niya at dead battery na ito.
"Dumagdag ka pa! Argh! I hate this day."
Naaasar na tumingin si Krizzia sa isang lalake nang marinig niya ang tawa nito. Halata namang siya ang tinatawanan nito dahil silang dalawa lang naman ang nakasilong sa waiting shed na 'yon.
"Hi, I'm Ted." nakangiting sabi ng lalakeng tinawanan siya.
Inirapan lang ni Krizzia ito at itinuon na lang ang pansin sa pag-aantay ng masasakyan. Hindi mapigilang makaramdam ng kaba si Krizzia dahil mahigit kalahating oras na siyang naghahantay ng masasakyan pero wala man lang tumitigil para pasakayin siya.
Napahawak si Krizzia sa kaniyang dibdib dahil sa gulat. Bigla na lang kasing sumulpot ang lalakeng tinawanan siya sa kaniyang tabi.
"Saan ka ba nakatira?" tanong ng lalake sa kaniya.
Inirapan niya lang ito at lumayo sa lalake. Gusto niyang ipahiwatig sa lalake na she don't talk to strangers by action.
"Ang snob mo naman," sabi ng lalake bago sinagot ang cellphone nito na nagri-ring.
"What the! Flooded! s**t! Okay, we'll take a detour. Yeah! A girl. No. Okay, bye."
Agad na napa-atras si Krizzia nang may makita siyang isang kotse na mabilis ang takbo at paparating sa direksyon nila.
Ayaw niyang madumihan ang buong damit kaya halos nai-sandal na niya ang sarili sa pader para hindi siya maabutan ng talsik ng putik na galing sa kotse.
Tumigil sa tapat nilang dalawa ang kotse at lumabas do’n ang isang lalake na sa tingin niya ay nasa early 20s na ito.
"Butler!" masayang sabi ng lalakeng nagpakilala sa kaniya na Ted at sumakay na sa kotse.
Naaasar na umirap si Krizzia sa lalake nang buksan nito ang bintana at nakangiting tumingin sa kaniya.
"Gusto mo sumakay?" tanong ni Ted pero binalewala na lang 'yon ni Krizzia at sumakay sa isang jeep na sa wakas ay uunti lang ang sakay.
Habang nasa biyahe pauwi, hindi mapigilan ni Krizzia na maalala ang lalakeng kasama niya sa waiteng shed na 'yon.
Napangiti ni Krizzia nang maalala ang kaniyang ideal first meeting.
"Rainy day. I like to meet the guy I will love in a waiting shed."
Yeah! Krizzia's ideal meeting is like that. Naniniwala siya sa mga signs chuchu about love kaya gumawa siya ng sariling sign and that is to meet a guy on a rainy day and both of them will be stuck in the waiting shed to meet each other.
"Is the Ted guy is the one?" kinikilig niyang bulong habang nakatingin sa labas ng jeep.
Nangilid ang luha ni Krizzia nang maalala ang araw na 'yon. She gave her full trust and love to Ted. But Ted? He's a traitor. An asshole. A killer. A vampire.
Mabilis na pinunasan niya ang kaniyang luha nang marinig ang pintuan ng kaniyang kuwarto na bumukas. Pumasok sa kaniyang kwarto si Asuncion na may dalang mainit na sopas para sa kaniya.
2 days passed. Dalawang araw ang lumipas matapos na kausapin siya ni Dylan at pinipilit siyang maging kaibigan. Nang makauwi siya ng araw na iyon, agad siyang nakaramdam ng pagka-trangkaso at tuluyan na ngang naging lagnat nang bumuhos ang ulan nung gabing 'yon.
Nalaman na lang niya na may bagyo pala nang makanood siya ng balita at sinabing tatagal 'yon ng tatlong araw. Hindi niya mapigilang magtaka nang hindi inanunsyo ang Blackwell sa mga college schools na walang pasok. Gustuhin niya man na pumasok kahit may lagnat ay hindi niya magawa dahil ayaw siyang payagan ni Asuncion.
"Ito, iha. Para sayo. Naku! Umuulan pa naman. Maayos lang ba ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong nito sa kaniya.
Tango lang ang sagot niya bago humiga ulit sa kama at binalot ang kumot sa buo niyang katawan. Hindi niya mapigilang manginig nang maramdaman ang pagdampi ng malamig na hangin sa kaniyang balat.
"Kainin mo na ito para medyo mahimasmasan ka na." utos ni Asuncion sa kaniya.
Tango na lang ulit ang sinagot niya bago isinubo ang sabaw ng sopas na kutsara habang hawak ni Asuncion at isinusubo sa kaniya.
HINDI MAPIGILAN ni Dylan ang mapabuntong-hininga habang pinapanood si Krizzia na pinapakain ng isang matandang babae. Nag-aalala siya kay Krizzia.
Alam niyang nilalagnat si Krizzia. Kung paano niya nalaman? Nag-ala Edward Cullen kasi siya at sinundan ang kaniyang Bella. Sinusundan na niya si Krizzia simula nang malagay na sa panganib ang buhay nito dahil sa pagiging friendly at curious niya.
"f**k! Damay na talaga siya. Dapat pala nakinig ako kay Theo." nakabusangot niyang sabi.
Basang-basa na siya ng ulan. Ramdam niya ang lamig na dulot nito. Nakatingin lang siya kay Krizzia habang nakahawak sa isang sanga ng puno. In short, nag-ala Edward Cullen ulit siya na nasa taas ng isang puno habang pinagmamasdan ang pinakamagandang tanawin sa buong buhay niya.
Ilang oras na rin siyang nakatambay puno na 'yon. Hindi siya napigilan ng malakas na ulan at hangin para makita ang kalagayan ni Krizzia.
Hours passed. Malakas pa rin ang ulan at sumasayaw na din ang mga sanga ng punong tinatambayan niya. Nakita niyang tulog na si Krizzia at iniwan na ito ng matandang babae.
Mabilis siyang lumipat sa terrace ng kwarto ni Krizzia mula sa puno. Binuksan niya ang sliding glass pero agad siyang napatigil nang may maalala.
Siguradong magtataka si Krizzia kapag nakita nito ang bakas ng sapatos niya. Mabilis niyang hinubad ang sapatos pati na rin ang medyas bago tuluyang pumasok sa kwarto ni Krizzia.
Tumayo siya sa gilid ng kama nito at pinagmasdan si Krizzia na nanginginig dahil sa lamig habang balot na balot kumot ang buong katawan.
Napabuntong-hininga na lang si Dylan at ginawa ang nasa kaniyang isip. Ginamit niya ang kaniyang kapangyarihan para tumigil ang pag-ulan kasabay ng pagtigil ng ihip ng hangin.
Gusto niyang makahinga naman kahit na saglit lang si Krizzia. Gusto niyang makita na hindi ito nilalamig. Nakahinga ng maluwag si Dylan nang makitang tumigil sa panginginig si Krizzia.
Aminado siya sa nararamdaman niya kapag tungkol kay Krizzia. Puwedeng nahuhulog siya dito o baka naman ay nasa friendly stage pa rin naman siya. Well, kailangan niyang makasiguro sa nararamdaman.
Hell! Kakakilala niya pa lang kay Krizzia at lagi niyang iniisip na friendship lang talaga ang habol niya dito pero hindi niya mapigilang mainis tuwing nasasabi o naiisip niya ang word na friends at Krizzia. Tumitibok kasi ang puso niya at hindi niya alam kung ito ba ay tama.
“f**k it. I’m confused.”