Dylan's POV
Mga hating-gabi na nang magising ako. Wala na si Theo at Kate dito sa kuwarto ko nang magising ako. Agad akong tumayo at nagbihis. Dapat kanina pa ako nakaalis kung hindi lang ako pinatulog ni Kate.
Lumabas ako ng kuwarto. Habang naglalakad, nakasalubong ko ang Doctor na tumulong sa akin. Si Raven Yllado. Isa siyang bampira pero nagtatrabaho siya bilang doktor ng mga tao.
"Since magaling ka na, puwede ka na lumabas." walang ekspresyon niyang sabi.
Tinanguan ko na lang siya at nagpatuloy na sa paglalakad. Masyado siyang seryoso na bampira. Mga ilang hakbang pa lang ang nalakad ko nang marinig ko siyang magsalita.
"Dylan."
Tumigil ako sa paglalakad. Hindi ko siya nilingon at hinantay na lang siyang magsalita.
"Hindi maganda ang kutob ko sa babaeng 'yon." rinig kong sabi niya.
Babae? Si Kate at Krizzia lang naman ang babaeng dumating dito para sa akin. Si Krizzia o si Kate? Huminga na lang ako ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad.
Nang makalabas ako ng building, agad kong tinawagan si Theo. Mga ilang ring bago niya sinagot.
"Alam mo ba na hating-gabi na?! Tulog na kami pati ang triplets!" iritado niyang sabi.
Napabusangot na lang ako. Siya pa may ganang magalit. Alam niya naman na pwede na akong lumabas ngayon kung hindi lang ako pinatulog ni Kate. Tsk!
"Tch, huwag ka na magreklamo. May kasalanan ka rin naman sa akin. Nasaan na 'yung kotse ko?"
Nagtaka ako nang biglang tumahimik sa kabilang linya.
"Theo?" tawag ko sa kaniya.
"Nagka-amnesia ka ba, Dylan?" tanong niya sa kabilang linya.
"Kung may amnesia ako, bakit kita tatawagan at alam ang pangalan mo?" sarcastic kong sabi.
"I don't know. Parang hindi mo kasi naalala na nabangga ka. Wasak ang harapan ng kotse mo."
"Damn!" inis kong sabi at pinatay ang tawag.
Inaamin ko. Nakalimutan ko nga. I don't know. Gustong-gusto ko na talaga umuwi. I think, the first reason is, I want to kill Brian. I heard while I'm sleeping that Brian is the mastermind of the crazy scheme happened. Theo and Kate is really careless sometimes. Kahit naman tulog ang mga bampira, nakakarinig pa rin naman kami. Second, I want to check Krizzia. Baka may ginawa si Brian kay Krizzia.
Knowing Brian, he's a jerk and sometimes p*****t. Well, sometimes is not the right term. The perfect term is always. Basta may kasama siyang babae, nagiging p*****t ang lalakeng 'yon.
That's why I really want to go home. But I'll check Krizzia, not personally. I'll check her from a distance. Kung gusto kong hindi ma-fall sa kaniya, kailangan kong lumayo-layo muna. Not that, iiwanan ko siya. Lagi akong nakabantay sa kaniya. Sa academy, sa kalsada, o kahit saan pa man. I can't leave her alone in this situation. Malakas ang kutob ko at ni Theo na mayro’n na kaming kalaban na gumagawa ng kilos laban sa amin. Lalo na't nakatakas si Brellio.
Krizzia's POV
Another day to start. Tumayo ako sa pagkakahiga at dumiretso ng banyo. Naghilamos ako at nagsipilyo pagkatapos ay lumabas ng banyo at dumiretso sa kusina. Nadatnan ko si Nanay Asuncion na naghahanda na naman ng agahan para sa akin.
"Good morning, Nanay." nakangiti kong sabi.
Gulat na bumaling sa akin si Nanay Asuncion at napahawak sa kaniyang dibdib.
"G-good morning din." sagot niya at muling humarap sa kaniyang niluluto.
Napangiti na lang ako. Siguro, nagulat si Nanay Asuncion na makitang nakangiti ako. Hindi ko alam pero parang ang sarap ng gising ko ngayon.
Tinulungan ko si Nanay Asuncion sa paghain.
"Sabay na po tayo kumain?" tanong ko sa kaniya.
"Sige. Hindi pa din naman ako kumakain dahil na-late ako ng gising." nakangiting sagot niya.
Tumango-tango ako at umupo nang matapos kong ilagay sa lamesa ang mga plato, kutsara at baso na gagamitin.
"Mukhang maganda ang gising mo ngayon." masayang sabi ni Nanay habang kumakain kami.
Ngumiti naman ako. "Maganda ka kung lagi kang nakangiti." sabi niya at isinabit ang ilang buhok ko sa tenga ko.
"Magsisimula na po ako." sagot ko na ikinangiti niya.
Pagkatapos kumain, ako ang naghugas ng pinagkainan namin bago naligo. Matapos maligo, nagbihis na ako. Mabilis kong kinuha ang bag ko at nagpaalam kay Nanay.
"Galingan mo." nakangiti niyang sabi.
Sumakay ako ng tricycle papuntang Jollibee. Nang makababa sa tricycle, tumakbo ako para mabilis na makapunta sa academy.
Hindi ko alam pero parang nai-excite ako ngayon na pumasok. Ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko nang makita ko na ang gate ng academy.
Lakad-takbo ang ginawa ko hanggang sa marating ko ang room. Napatigil ako nang makita ko si Dylan. Nakaramdam ako ng pagkadismaya nang makitang nasa pinakadulo na siya nakaupo at hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
Parang may kumurot sa puso ko. Umiling ako saka umupo sa seat ko. Stop that, Krizzia. Hindi ka dapat makaramdam ng ganito. Huminga ako ng malalim. Kahit pigilan ko ang sarili ko, parang may kumukontrol sa katawan ko na tignan siya.
Pero dapat pala hindi na lang ako lumingon. Makikita ko lang naman na masaya siya, kasama ang ibang babae. Mabilis akong tumayo at lumabas ng room ng maramdaman kong parang naiiyak ako.
Naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba ako nakakaramdam ng ganito? Bakit ba ako nasasaktan? Bakit ba ako naiiyak? Hindi dapat ako nakakaramdam ng ganito, e!
"Sino ba siya? Siya lang naman si Dylan. Hindi ko siya kilala. Hindi ko siya kaibigan!" naiinis kong sabi saka pinunasan ang luha ko.
Dahil sa kakatakbo habang pinupunasan ang aking luha, hindi ko napansin na napadpad na ako sa isang hardin. Napatulala ako nang makita ko ang kabuuan ng hardin. Para akong nasa paraiso. Ang daming iba't ibang uri ng halaman at bulaklak dito. Kakaiba din ang paru-paro dito. Lumiliwanag sila habang lumilipad. Kung sa malayo, aakalain mong isa lang itong alitaptap pero kapag sobrang lapit mo sa kanila, do’n mo malalaman na mga paru-paro ang mga ito.
"Anong lugar 'to?" Ito na lang ang nasambit ko dahil sa pagkamangha.
"Ang hardin na ito ay tinatawag na Forbidden Garden."
Mabilis akong napalingon sa likod ko nang may marinig akong nagsalita. Isang babaeng nakasuot ng puting damit na nagliliwanag ang bumungad sa akin.
"Ako si White. Ang guardian ng hardin na ito at ng mga butterfly of destiny." nakangiti niyang sabi.
Parang napako ako sa kinatatayuan ko. Totoo ba talaga itong nakikita ko?
Dylan's POV
Agad akong napatingin kay Krizzia nang lumabas siya ng room. Mabilis akong tumayo nang marinig ko ang mabilis na t***k ng kaniyang puso.
"Maiwan muna kita, Veah." pagpapaalam ko.
"Sure." nakangiti niyang sagot.
Tumakbo ako palabas ng room. Nang marating ko ang pinakadulo ng corridor, napalingon-lingon ako. Ilang beses ko na naamoy ang scent ni Krizzia kaya magagamit ko iyon sa paghahanap sa kaniya. Kaso nga lang, may problema.
Hindi ko siya maamoy. Pinuntahan ko na ang bawat sulok ng academy.
Tumigil muna ako at nag-isip. Napuntahan ko na ang bawat lugar dito sa academy. Kung hindi ko siya maamoy, ibig sabihin ay nasa isa siyang lugar kung saan hindi puwedeng gumamit ng kapangyarihan.
Napatulala ako dahil sa naisip ko. Iisa lang ang lugar dito sa academy na bawal paggamitan ng kapangyarihan.
Ang Forbidden Garden.
Mabilis akong tumakbo papunta sa Forbidden Garden. Habang tumatakbo, hindi ko mapigilang mapaisip. Paano siya nakapasok do’n?
Napatigil ako sa pagtakbo nang makita ko si Brian kasama siya. Kasama si Krizzia. Mabilis akong nagtago.
"Anong ginagawa mo do’n, Krizzia?" tanong ni Brian sa kaniya.
"Saan?" tanong ni Krizzia.
"Sa Hardin ng Blackwell?" sabi ni Brian.
Teka, hardin ng Blackwell? Forbidden Garden o yung hardin lang?
"Wala naman talaga akong ginagawa do’n. Ang totoo niyan ay napadpad lang ako do’n tapos nakausap ko yung babae na guardian ng hardin na iyon. Si White," nakangiting sabi ni Krizzia.
Naramdaman ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko. And I know it's because of seeing Krizzia smile.
But why the heck she's with Brian?