The Professional

1274 Words
Dylan's POV Kagabi pa ako bugnot na bugnot at mainitin ang ulo dahil sa na-receive kong MMS. Sira-ulo talaga si Brian. Mas lalo niyang pinapahamak si Krizzia dahil sa ginagawa niya. Paano kung may mga espiya ang kalaban namin sa Blackwell? Paano kung may nakakita sa kanila? Paano kung ang nag-sent sa akin ng MMS ang espiya ng kalaban namin? Paano kung… f**k! Paano kung mahulog sa kaniya si Krizzia? "Bwisit!" Inis kong sabi at tumayo sa pagkakahiga. Dahil sa mga iniisip ko, mas lalo akong nawawalan ng gana pumasok ngayon. But you want to go, right? Said my subconscious mind. "Yes." Wala sa sariling sagot ko. "And why is that?" "Baka ka nga kasi… What the hell, Theo!" Gulat kong sabi nang makita si Theo na nakaupo sa recliner malapit sa study table ko. He chuckled. Napaiwas ako ng tingin dahil sa hiyang nararamdaman ko. Hell! "Bakit nagsasalita ka mag-isa? May problema ba o sadyang nababaliw ka na?" Nakangising tanong niya. "Both." Sagot ko. Wala namang dapat itago kay Theo dahil siya ang bestfriend s***h cousin ko. Kahit naman itago ko ay malalaman din naman niya. "Sige. Unahin natin ang problema. Tao ba o kagaya natin?" Tanong niya. Huminga ako ng malalim. "Both." Sagot ko. Napakunot-noo si Theo. Marahil ay nagtataka siya. "What the f**k, man. Nasaan na ang pinsan kong laging nakangiti kahit na tone-tonelada ang problema sa harapan niya? Ikaw pa rin ba 'yan, Dylan? Kasi ang totoong Dylan na kilala ko ay lagi may sagot sa problema niya at kahit kailan ay hindi nagsasalita mag-isa dahil lang sa isang problema." Napasimangot ako. "Dalawa sila." "The hell I care. Isa pa din iyon. Tanggalin mo lang ang isa. Isa pa rin." Walang kuwenta na sagot niya. "Tch! Magtanong ka na. Ikaw lang naman ang makakatulong sa akin, e." Sabi ko at umupo sa kama. "Bakit ako lang makakatulong sayo? Nandiyan naman sila Cody, a." Pagdadahilan niya. "Si Cody? Harsh manalita 'yon. Si Kyle? May problema din 'yon. Si Nathan? Sasagutin lang ako ng mga suggestion. Hindi nakakatulong. Si Brian? Humanda siya dahil papatayin ko siya. Si Alexander naman? Baka hindi na magpakita 'yon sa akin dahil sensitive 'yon sa mga ganitong topic," Mahabang sagot ko sa kaniya. "I'm not convince," nagpipigil ng ngiti si Theo kaya umiwas ako ng tingin. "Bakit? Ano ba ang topic natin?" Tanong niya. "About headaches that will make you go crazy." Tumawa siya. "Baka heartaches that will make you go crazy." "Damn! Oo na. I'm jealous, damn it." Pag-aamin ko. "Okay. I'm convinced. Ako nga lang talaga ang makakatulong sayo." Nakangising sabi niya. Damn it. I must listen to a professional. Krizzia's POV Hindi ko alam kung ilang beses na akong napahikab dahil sa mga sinasabi sa akin ni Brian. Tungkol kasi sa mga babaeng dumaan sa buhay niya ang kinikuwento niya sa akin. Hinarap ko siya. "May gusto akong sabihin." "Ano 'yon?" Nagtatakang sabi niya. "Puwede bang manahimik ka muna." Tumawa lang siya dahil sa sinabi ko at hindi na nagkuwento pa. Mabuti naman. Sumandal ako sa upuan ko saka pumikit. Peace, at last. Napadilat ako ng mata nang bigla na lang may mabigat na bagay ang pumatong sa kanang balikat ko. Nang tinignan ko kung ano 'yon, ang mukha ni Dylan ang tumambad sa akin. Ramdam ko ang biglang pagbilis ng t***k ng puso ko. Relax, Krizzia. Kinakabahan ka lang. Pangungumbinsi ko sa sarili ko. "D-dylan?" Tawag ko sa kaniya. "Hmm?" "Puwede bang pakialis? Mabigat, e." Sabi ko. "I don't want." Naninigas ako nang maramdaman kong mas lalo niyang siniksik ang pagmumukha niya sa leeg ko. Ramdam ko ang ilong niya na tumutusok na sa balikat ko. "Starting from now, I will be vocal." Rinig kong sabi niya kasabay nang biglang paghalik niya sa leeg ko. Mabilis akong tumayo at tumakbo palabas ng room. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko at hindi ako tanga para hindi malaman ang dahilan kung bakit ganito ako. Alam ko dahil ganito din ang nararamdaman ko sa lalakeng akala ko ay minahal ako noon. Handa akong magbago pero ang sumugal para magmahal muli? Iyon ang hindi ko pa alam. Nang maramdaman ko ang pagod sa pagtakbo, saka ko lang napansin na dito na pala ako sa soccer field napadpad. "Hey!" Nang lumingon ako, nakita ko si Kate na nakaupo sa bench habang kumakain ng french fries ng Jollibee. Ngumiti siya sa akin. "Halika. Kain tayo. And you can't say no." Napakamot ako sa sentido ko. Hindi naman ako aayaw atsaka tinuruan ako ng Ina ko dati na kapag may ibinigay sa akin o inaalok, kunin ko na dahil grasya daw iyon at isa pa, unti lang ang kinain ko kanina nang magising ako dahil late na ako, iyon pala hindi pumasok ang Prof namin kaya ngayon ay kami lang ni Brian ang nasa room. Nang lumapit ako sa kaniya at umupo, inabot niya sa akin ang isang burger saka inilabas ang lahat ng laman ng plastic na may tatak na Jollibee. Nagtatakang napatingin ako sa kaniya. "Hindi ka ba nakakain?" Tanong ko sa kaniya. "Yeah. Hindi ako pinakain ng pagkaasar ko kay Theo." Sagot niya. Napakunot-noo ako. "Theo? Theodore Valerious? Ano mo ba siya?" Tanong ko at kumagat sa binigay niya sa aking burger. "He's my husband." Sagot niya na ikinaubo ko. Mabilis kong kinuha ang binigay niya sa akin na coke saka uminom. Hinihingal na tumingin ako sa kaniya. "A-asawa mo siya?" "Yup. He's my husband." Nakangiti niyang sabi. "Paano? Kailan?" "Paano? Siyempre, start muna sa ligawan then next, naging intimate, then poof, tententenentententenen." Sabi niya. "So ibig sabihin? Nabuntis ka niya?" "Yes. But we both love each other kaya nagpakasal na kami." Napatahimik ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam pero para akong apektado dahil sa mga sinabi niya sa akin. Siguro, dahil sa fact na ang pagkakakilala ko sa kanila ay mga estudyante lang. Ang weird ng araw na 'to dahil una, si Dylan. Mahirap paniwalaan na nagawa sa akin iyon ni Dylan. Pangalawa, dahil sa rebelasyon na sinabi sa akin ngayon lang ni Kate. "Piece of advice, Krizzia. Kapag isa sa mga Valerious ang nagbago ang pakikitungo sayo, mapa-weird man o negative change, humanda ka na. Dahil magbabago din ang buhay mo." Tinamaan ako sa sinabi niya. At ang una kong naisip ay siya. Si Dylan Valerious.   Dylan's POV Nang lumabas si Krizzia, hindi ko mapigilang mapangisi. Tama si Theo. Hindi magkakaganoon si Krizzia kung wala akong epekto sa kaniya atsaka ganito din pala kasarap sa pakiramdam ang maging vocal. No worries. "Nice. Hokage." Rinig kong sabi ni Brian. Tumayo ako sa inuupuan ko at mabilis na lumapit sa kaniya saka siya sinapak. "Hayop ka. Gusto mo ba talagang mapahamak si Krizzia. Nakipagsabwatan ka pa kay Daddy para lang din sa pansarili mong pangangailangan." Si Daddy pala talaga ang pinaka-mastermind sa nangyayari sa aming tatlo ni Krizzia. Gusto malaman ni Dad kung marunong na daw ba ako mag-isip ng tama at hindi padalos-dalos kaya ang ginawa niya ay ginamit niya si Brian para pagselosin ako. Sila Kate at Theo naman ay nakisali lang. "What the f**k! Hindi ko naman pinapahamak si Krizzia, a!" Inis niyang sabi. "Pinapahamak mo siya! Ganiyan ka umasta dahil wala kang alam!" Nanggalaiti kong sabi. "Hey, guys! Calm down." Sabi ni Theo na kakapasok lang ng room. "Kalma ka nga, rookie." Sabi sa akin ni Theo na ibig niyang sabihin ay baguhan sa lovelife. Napanguso ako. Edi ako na ang walang lovelife noon. "At ikaw naman pandak, pagpasensiyahan mo na si Dylan. Don't worry, nakatanggap din naman ako ng sapak sa kaniya nang malaman niya ang plano ng Dad niya." Sabi ni Theo. "Pandak ka diyan! Gusto mong sapakan!" Sabi ni Brian. "Kalma nga, e." Natatawang sabi ni Theo. Umupo ako at sinubukan ang sarili ko na pakalmahin dahil sa totoo lang ay hindi lang sapak ang gusto kong gawin kay Brian. Gusto ko siyang patayin and that would make me rest in peace. Pero alam kung hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nakukuha ang gusto ko. "Now, pag-usapan natin ito ng maayos at hindi nadadala sa personalang galit." Sabi ni Theo at tumingin sa akin. Tumango na lang ako.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD