Kinagabihan katabi nyang natulog ang Teddy Bear na bigay ni Joshua na tinawag nyang Honey bear. "Goodnight honey bear" Bulong nya sa Teddy bear habang yakap-yakap parin. Pagdating nila kanina sa mansyon, nag usisa ang Tita Maristel nya kung kanino galing ang Teddy bear, sinabi ni Joshua na napanalunan nito sa game sa mall, kaya binigay nalang nito sa kanya kesa sa iwan pa daw sa mall. Naniwala naman ang Mama nito sa pagsisinungaling nila. Nakokonsyensya sya pero wala syang magagawa mahal nya si Joshua mahal na mahal. Kinabukasan nagulat sya nang papalabas na sya ng silid may biglang tumalak sa kanya papasok muli sa loob ng silid. Napatili pa sya pero, natakpan ang bibig nya. "Sssshhh...it's me" bulong ni Joshua. "Joshua! You scared me to death" Bulong nya at tinabig ang kamay nito.