Aya Napangiti sya ng magmulat ng mga mata. Nasa tabi nya si Joshua, nakayakap pa ang kamay nito sa kanya. Tumagilid sya at pinagmasdang mabuti ang gwapong mukha nito, habang mahimbing na natutulog. Kahapon sa parking lot, nagulat sya ng makita nya ito, tila lumukso ang dibdib nya sa takot at excitement sa muli nilang pagkikita. Una nyang napansin rito ang pagpapatubo nito beard sa jawline nito, at masasabi naman nyang bagay na bagay rito at mas nakadagdag ng appeal, mas nag mature ito at lumakas ang dating. Pasimple pa nyang hinawakan ang magaspang nitong balbas at napangiti. Matapos nilang mag aminan kagabi, hindi na nila pareho napigilan ang mga sarili nila, at naibigay nanaman nya ang sarili kay Joshua ng paulit-ulit. Hindi naman siguro masasaktan ang baby sa tiyan nya dahil isang b