Aya Nagtatakbo sya palabas ng opisina ni Joshua, nagulat pa ang guard at secretary ni Joshua ng makita syang tumatakbo palabas ng opisina. Pero binalewala lang nya ang mga nagtatanong na tingin ng mga ito. Gusto nyang makaalis na sa lugar na yon. Nagmamadali syang nagtatakbo, wala syang ibang nasa isip kundi ang nangyari sa loob ng opisisna ni Joshua, kung bakit nya hinayaang mangyari yon. Kung bakit tila may sariling isip ang katawan nya nagpapaubaya kay Joshua. "Ouch!" Tili nya ng bumunggo sya sa kasalubong na lalaki. Muntik pa syang matumba kundi lang mahagap ang lalake at nahawakan sya sa bewang at tinulungan makatayo ng deretcho. "I'm sorry" Paumanhin ng lalake. Tiningala nya ito at napakunot ang noo ng makilala kung sino ito. Si Vincent ang ultimate crush ng nag-iisang kaibigan n