"Ready na ba ang gown mo for this coming saturday?" Tanong ni Ella habang kumakain sila sa school canteen. "Ah.. si Tita Maristel ang nag organize ng lahat eh, I guess ready na yon" Matamlay na sagot nya. JS prom na nila sa sabado, at hanggang ngayon hindi pa sigurado kung makakaattend si Joshua sa prom nya, may laban kasi ang school nila sa Manila, same day ng prom. Parang ayaw na nga nyan umattend, kung hindi rin naman si Joshua ang makaka partner nya. "Wow! No doubt ang gown mo ang pinaka maganda. I know Mrs Tragora taste pagdating sa fashion" "Oo nga" Simpleng sagot nya. "Are not you happy?" "Happy syempre" "You should be happy, minsan lang sa buhay natin ang JS prom. Ako nga kahit hindi ko makakapartner si Vincent ok lang, marami pa kung time para sa kanya, malay mo next year k