*Kathnisse's POV* "ANG BANGO NAMAN NG NILULUTO MO." Napangiti ako kay Ate Letty. Lumapit ito sa akin at ngumiti habang nakatingin sa niluluto ko. "Special yata?" Nanunuksong tanong nito, "para kay Boss yan, ano?" "H-hindi naman, Ate." Nahihiyang sagot ko, "tsaka oo, para kay Aled 'to." Naisipan ko kasing magluto ng lunch para kay Aled bilang pasasalamat. Maayos na ang pakiramdam ko at dahil iyon sa kanya, siya ang nag-alaga at nagbantay sa akin. Hindi na nga siya pumasok sa trabaho kasi wala akong kasama rito. Maya-maya pa ay natapos na akong magluto. Sasabay ako kay Audrey papunta sa opisina ni Aled. "Tara na, Baby Girl?" Tumango ako kay Audrey at binitbit na ang paper bag kung saan nakalagay ang lunch ni Aled. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse niya at pumasok ako doon. "