Kathnisse's POV Nakaupo ako ngayon sa desk ko at si Aled naman ay nasa loob ng opisina niya. May inaayos akong mga papeles na kailangang pirmahan ni Aled ngayon. Nang matapos ko na itong ayusin ay kumatok ako sa pinto ni Aled at binuksan ito. Nakaharap ito sa laptop niya at nakasuot ng EarPods. Mukhang may kausap ito. "Mom, I told you to stop setting me up with blind dates." Kalmadong sabi ni Aled. Napatingin ito sa akin. Tumaas naman ang kilay ko. Blind dates? Hindi ba alam ng mga magulang niya na girlfriend niya na ako? Kinuha nito ang EarPods na nakasaksak sa tenga niya. "Mom, I have a girlfriend. Bakit ayaw mong maniwala?" Anito habang nakatingin sa akin. Seryoso ko lang siyang tiningnan habang nakatayo. Sumenyas ito na lumapit ako sa kanya. Inirapan ko lang ito. Ka video call niy