Kathnisse's POV Mag-iisang buwan na ako rito sa hospital at naghihilom na ang sugat ko. After 2 days ay pwede na akong lumabas. Nakahiga ako ngayon sa kama at nakatingin sa bintana. Pagkatapos naming mag-usap ni Aled ay hindi na siya ulit nagpakita sa akin, tinupad niya ang sinabi niya. Palagi namang nandito si Audrey para bantayan ako at pino-provide ang mga kailangan ko. Kahapon ay nagulat ako dahil binisita ako ng mga kaibigan ko, hindi ko sila na contact kaya wala silang alam sa nangyari sa akin. Sinabi nila sa akin ay may tumawag daw sa kanila at sinabi ang nangyari sa akin kaya napagpasyahan nilang sabay nila akong bibisitahin sa hospital. Masaya akong nakita at nakasama ko ulit ang mga kaibigan ko. Kahit papaano ay gumaan ang bigat na nararamdaman ko. Nagkamustahan kami at iniyak