Kathnisse's POV Nakaupo ako ngayon sa couch at nakahalumbaba. Gusto kong kumain ng singkamas at langka pero ayaw kong ipabili sa iba. "Bahala na nga!" Sabi ko at tumayo. Kinuha ko ang wallet ko at pasimple akong bumaba para walang may makakita sa akin. Sa likod ako dumaan at mabuti nalang at walang bantay doon kaya nakalabas ako. Nagtago ako sa malaking puno para hindi ako makita ng mga tauhan ni Alejandro. Saktong may dumaan na taxi kaya pinara ko ito at mabilis na sumakay. Alam kong mapapagalitan ako ni Alejandro kapag nalaman niyang umalis ako ng hindi nagpapaalam pero gusto kong kumain ng langka at singkamas. Pwede ko namang ipag-utos iyon pero gusto kong ako mismo ang bibili. Ayaw ko kapag iba ang bibili ng langka at singkamas. Ilang linggo na akong nakakulong lang sa bahay ni A