3rd Person's POV Mabilis na pinapatakbo ni Damian ang kotse papunta sa malapit na hospital, busina ito nang busina para gumilid ang mga nauna sa kanila. "Sir! We have a patient, please bigyan niyo kami ng daan!" Sigaw ni Audrey. May gumigilid naman pero nahihirapan pa rin silang makalusot. "Kathnisse, open your eyes.." Napamura sa isipan niya si Damian. Maraming dugo na ang nawala sa babae at kinakailangan na nilang madala kaagad sa hospital si Kathnisse. "Damian! Bilisan mo!" Sigaw ni Audrey. May nakitang patrol car si Damian at namumukhaan niya ang nasa frontseat kaya binusinahan niya ito ng paulit-ulit. "Inspector Perez! We have a patient! Please help us!" Sigaw ni Damian ng mababa nito ang bintana ng kotse. "Attorney!" Sigaw ng police at ni on kaagad ang sirena ng police car.