Chapter 6

1569 Words
Kathnisse's POV Ala una ng hapon ng dumating ako sa bangko para bayaran ang lupang nakasangla dito, mabuti na lamang marami kaming customers noong mga nakaraang gabi kaya malaki-laki rin ang nauwi kong tip, isama pa ang malaking perang ibinayad ni Alejandro nang isang gabi para makasama ako. Agad na nag-init ang pisnge ko kaya napailing ako, hindi ko na dapat iyon iniisip. Kalimutan mo na ang nangyari, Kathnisse! O mas mabuting kalimutan mo na rin si Alejandro! Subalit paano ko iyon magagawa kung siya ang lalaking unang nakakuha ng first kiss ko? Paano ko siya makakalimutan kung tuwing nakikita ko siya ay bumibilis ang t***k ng puso ko? Nakakainis! Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, ngayon ko lamang naramdaman ang ganitong pakiramdam. Bago ito sa akin at hindi ko rin alam kung mabuting senyales ba ito o masama? "Ms. Kathnisse Garcia, why are you here?" Nakakunot noong tanong ng Manager ng bangkong ito. Sa bangkong ito nakasangla ang lupa namin at ngayong araw ang schedule ng bayad ko, magdadalawang taon ko nang binabayaran ang lupa naming naisangla. Noong una ay nahihirapan ako dahil sa maliit lamang ang sinusweldo ko, pero ngayon ay medyo nakakaluwag na ako. Kilala ko na ang mga empleyado ng bangkong ito dahil buwan-buwan ay pumupunta ako rito para magbayad, minsan ay dalawang beses sa isang buwan kapag nakakaluwag. Ngumiti ako kay Miss Anabelle Santos na siyang Manager ng bangkong ito, nakalimutan niya yatang magbabayad ako ngayon? "Magbabayad po ako ngayon." Sagot ko naman sa kanya na nakangiti. Nakita kong napailing ito sa akin. "One week ng natubos ang lupa niyo kaya hindi mo na kailangang magbayad. Hindi mo ba alam 'yon?" Nagtataka niya akong tiningnan. Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi naman yata ako bingi? "I-imposible ho iyon, Miss. Wala po akong binayaran last week dahil wala naman akong ganoong kalaking halaga para matubos 'yon kaagad. Baka nagkakamali ka lang po?" Naguguluhan na sabi ko. Umiling ito sa akin, "I swear, last week pa natubos ang lupa niyo. Iyong-iyo na ulit ang bahay at lupang naiwan ng mga magulang mo." Sa palagay ko ay nakalutang ako sa hangin habang papauwi ako ng bahay, hindi ako makapaniwala. Lahat ng sinabi sa akin ni Miss Anabelle ay nakumpirma kong totoo, dokyumentado ang lahat. Wala na nga akong babayaran pa. Masaya ako roon, ngunit hindi ko alam kung sino ang nagtubos ng isinangla naming lupa. Walang pangalan at kung mayroon man ay mananatitili itong anonymous dahil ayaw magpakilala ng kung sino man ang nagtubos ng lupa namin. Sana isang araw ay makilala ko siya para personal akong makapagpasalamat sa kanya. Sa wakas ay mababawasan na ang problema ko buwan-buwan at sa wakas ay makakapag-ipon na ako para maipagpatuloy ang pag-aaral ko sa kolehiyo. Malapit na ako sa bahay ng matanaw ko ang dalawang itim na kotse, ang isa ay iba ang hugis nito sa pangkaraniwang kotseng nakikita ko sa daan at commercials sa TV at pihadong mamahalin iyon. Sa labas ng isang kotse ay may dalawang lalaking nakaitim, sa di kalayuan ay may lalaking nakaitim din, magkatulad sila ng kasuotan. Hindi ko na lamang sila pinansin. Kinuha ko ang susi mula sa bag ko pero bukas na ang gate namin kalakihan dahil hindi naman malaki ang bahay namin. Sigurado akong nailock ko ang lahat ng kailangang i lock sa bahay at kasama na ang gate namin. Bakit ngayon ay nakabukas na ito? Dali-dali akong pumasok sa bahay namin, pati ang main door ay nakabukas na rin at ang ilaw! Ninakawan ba ako? Hala! Pero, ano namang nanakawin niya sa bahay namin? Wala naman kaming gamit na mamahalin, ang TV namin ay iyong lumang TV pa noon, kahoy lamang ang mesa at upuan sa hapag kainan, sa kwarto ko naman ay hindi gaanong kalaking kama, ang sofa ay kawayan, sa madaling salita, hindi kanakaw-nakaw ang kagamitan sa bahay namin. May nakita akong tubo sa gilid ng pintuan kaya kinuha ko iyon at mahigpit na hinawakan, mariin akong napalunok. Kinakabahan ako! Maingat akong naglalakad papasok ng bahay para kung may tao man sa loob ay hindi niya kaagad ako mapapansin, nang makapasok na ako sa loob ay napakunot ang noo ko. Wala namang nanakaw sa mga kagamitan, kung paano ko iyon iniwan kanina ay ganoon pa rin ang ayos. "Aaaah!" Malakas na tili ko nang may lumabas mula sa kusina namin. Nanlaki ang mga mata ko at nabitawan ko ang tubong hawak ko, "ikaw?!" Malakas na sigaw ko na gulat na gulat ang reaksyon, at sino naman ang hindi magugulat? Hindi naman ito sumagot, tinitigan lang ako nito mula ulo hanggang paa. Bigla naman akong nakonsyus sa itsura ko kahit maayos naman ang pananamit ko. Naka blusang itim, tattered jeans at sapatos. Hindi naman yata haggard ang itsura ko? Pero, ang malaking katanungan ko ay. "Anong ginagawa mo rito? At bakit m-mo alam kung saan ako n-nakatira?" Nauutal na tanong ko. Hindi kaya totoong kilala niya talaga ako? Ngunit paano? Unti-unti siyang naglalakad papalapit sa akin, napahigpit ang pagkakahawak ko sa strap ng bag ko. Napakaseryoso ng itsura niya, mariin akong napalunok ng laway ko at unti-unting napaatras. Nakatitig siya sa akin at ganoon din ako sa kanya. "A-ano ang ginagawa mo rito?" Pag-uulit ko ngunit wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Nagpatuloy lang ito sa paglalakad patungo sa akin hanggang sa napahinto ako dahil nasandal ako sa maliit na tukador kung saan nakadisplay ang mga litrato namin ng mga magulang ko, aalis na sana ako sa pagkakasandal doon subalit nahinto ako nang maagap akong nahapit sa aking bewang ng tila bakal sa tigas na mga braso. "A-alejandro." Nauutal na sambit ko sa pangalan niya. Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin at mabilis ko namang iniwas ang mukha ko sa kanya. "Is that how you say thank you to the one who paid all your debts?" Bulong nito sa akin. Kulang ang salitang pagkagulat sa reaksyon ko ngayon, nanlalaki ang mga mata kong napatitig sa kanya, "i-ikaw ang tumubos ng lupa namin sa bangko?" Hindi siya sumagot, ang titig niyang kanina ay nasa mga mata ko ay bumaba papunta sa mga labi ko. Mabilis namang bumalik ang pangyayaring hinalikan niya ako sa loob ng VVIP room, kaya hindi ko napigilan ang pamumula ng pisnge ko. "B-bitawan mo ako." Naiilang na utos ko pero nakatitig lang ito sa akin. Biglang magring ang telepono ko na nasa loob ng bag ko. Bahagyang nabawasan ang pagkakahigpit ng pagkakahapit niya sa bewang ko. Isang boring na tingin ang ibinigay niya sa akin bago tumango, hindi ko man naintindihan kung bakit tumango ito ay kinuha ko ang telepono ko at sinagot ang tawag mula kay Kuya Arnel na siya pinagkakautangan ng Tatay ko ng maospital ang Nanay. "H-hello? Kuya Arnel?" "Hija! I just want to say thank you at nabayaran mo na ang lahat ng utang mo, mag-ingat ka palagi!" Masayang wika nito mula sa kabilang linya at pinatay ang tawag. Napaawang mga labi ko, pati sa kanya ay bayad na rin ako? Two hundred thousand plus interest ang utang ng Tatay ko sa kanya at kalahati palang ang nababayaran ko. Unti-unti kong ibinaba ang telepono mula sa tenga ko. "H-hindi pa ako nagbabayad." Mahinang usal ko. Ano ba ang nangyayari ngayon? "I told you, I paid all your debts. Lahat." Dumapo ang mga palad ko sa malapad niyang dibdib ng mahigpit niyang hinapit ulit ang bewang ko at napatitig sa mga mata niya. "B-bakit?" Tanging tanong ko. "Because I want something from you." Gulong-gulo pa rin ang utak ko sa lahat ng nangyayari, hindi ako makapagsalita ng maayos at hindi rin ako makapag-isip ng tama! "But for now, let me do this." Nagulat ako sa kanyang ginawa, inangkin niya ang mga labi ko. Noong una ay nanlalaki ang mga mata ko, ngunit ng banayad na gumalaw ang mga labi niya sa akin ay napapikit ang mga mata ko at tumugon sa mga halik niya. Mahigpit akong napakapit sa batok niya at siya naman ay mas hinigpitan ang pagkayakap sa bewang ko. Nang maghiwalay ang mga labi namin ay napatitig ito sa mga mata ko, nag-iwas ako ng tingin at mabilis ko siyang tinulak at napahawak sa dibdib ko. Ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib ko. "I will give to you the title once it is ready." Aniya kaya napatingin ako sa kanya. "A-anong kailangan mo sa akin?" "I already bought you from The Shire and you will be living with me." "A-ano? P-paanong---" "I paid all your debts, right? You will be working with me." Seryosong sabi nito. "A-ayoko! H-hindi pwede." Naiiling na wika ko. Lumapit siya akin, "be ready before 9 in the morning tomorrow, susunduin kita. Pack all your things early because I hate waiting." Bukas na kaagad? Wala naman akong tawag na natanggap galing kay Michelle o sa management ng Club. "Ayaw ko ngang sumama sa'yo!" "Have you forgotten what I said last time?" Tanong nito. "W-wala kang sinabi!" Napaatras ako ng sobrang lapit na nito ulit sa akin, yumukod ito at nagkalevel ang mukha namin. "Sooner or later I will have you and you can't say no." He smirked. "A-anong---" Hindi ko natapos ang sasabihin ko sana nang maalala kong ang mga katagang 'yon ang sinabi niya sa akin sa VVIP room ng club. Umayos siya ng tayo. "See you tomorrow." Aniya at umalis na. Sumunod ang mga mata ko sa papalayong si Alejandro. Bago ito sumakay ng kotse niya ay tumingin muna ito sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD