Pagkatapos naming mag-usap ni Alejandro ay sinamahan ako ni Audrey sa magiging kwarto ko. Maganda ang kwarto, parang kwarto ng isang prinsesa. Umupo ako sa malaki at malambot na kama, napabuntong-hininga ako at napatitig sa hawak-hawak kong folder. Napahigpit ang pagkakahawak ko doon. "Nagustuhan mo ba ng kwarto mo?" Napatango na lamang ako kay Audrey, ni hindi ko man lang siya tinapunan ng tingin. Naayos nga lahat ng problema ko sa pinansyal ngunit magiging baby maker naman ako ni Alejandro. Napabuga na naman ako ng hangin. "You know what? Ang swerte mo." Ani Audrey. Napataas naman ang mukha kong kanina pa nakayuko at nakatitig lamang sa folder. Paanong naging maswerte ako? Nagbibiro ba siya? Nagtataka ko siyang tiningnan. Ngumiti siya sa akin. "Basta, you're lucky. Siguro ay para sa