Kathnisse's POV Pabalik-balik akong naglalakad sa kwarto ko. Ano ba ang dapat kong gawin? Tanungin si Aled tungkol sa asawa niya? Or magtanong kay Audrey tungkol sa asawa ni Aled? Napabuntong hininga ako. Hindi ako pwedeng magtanong. Subukan ko kayang e search? Tama! Try ko lang naman. Kinuha ko ang telepono ko. Clarice Vautier.. Kinagat ko ang kuko ko habang nag-aantay kung anong makikita ko na lalabas. Nagscroll up ako pero wala akong makitang litrato niya katulad doon sa painting na nakadisplay sa kwarto ni Aled. Ibang mukha ang nakikita ko. Hanggang sa may nakita akong isang article, matagal na ito. 3 years ago pa. Clarice Vautier, the wife of Alejandro Vautier is dead. Nanlaki ang mga mata ko. Dead? Patay na ang asawa ni Alejandro? May kumurot sa puso ko pero at the same tim