Kathnisse's POV "Goodnight, Baby Girl! Beauty rest ka na at birthday mo na bukas." Text ni Audrey sa akin. I smiled at nagreply sa kanya. Napatingin ako sa wall clock, 8:30 palang pero inaantok na ako. Napagod ako kanina sa pagtulong sa kanila ni Ate Letty. I decided na magpa small party para sa birthday ko. Iyong simple lamang, kami-kami lang kasama ang mga kaibigan ko. Na contact ko na kasi 'yong mga kaibigan ko sa The Shire noon at masaya akong nasa mabuting kalagayan sila ngayon. Hindi na ako nagtanong pa ng marami sa kanila, gusto ko lang malaman talaga kung nasa maayos silang kalagayan. Inaya ko sila na pumunta rito sa bahay ni Aled para sa birthday ko at mabuti naman at makakapunta sila. Alam nilang lahat na wala na ako sa The Shire, ako lang ang walang kaalam-alam na wala na rin