Chapter forty one KAE'S POV'S Magkausap parin kami ni Jairus dito sa kitchen, habang nagluluto sya, ako lang si taga tikim niya, marami syang naikwento tungkol sa nangyari kay Luna. Sa totoo lang, muntik muntikan ko na makalimutan si Luna, dahil na rin siguro sa dami ng mga problema ko at dahil na rin siguro sa stress. Nang makita ko sya ngayon, marami akong naalala, yung kamalditahan niya, yung pagiging mayabang niya, at yung pambubully niya sa akin, nasaan na rin kaya yung seven dwarfs niya? Ang puti puti niya kase noon, sobra, pero ngayon medyo nangitim sya. Isa sya sa mga naging parte ng nakaraan ko, na ngayon ay pakiramdam ko, unti unting bumabalik, kahit nasa present na ako, dahil na rin siguro nakikita ko ulit yung mga taong nakilala ko noon. "nasabi mo na ba?" Para akong na