Chapter ten KAE'S POV'S "excited ako for Mika.." "para nga kayong magkapatid .." Nagdradrive si Elis papunta sa venue ng baby shower ni Mika, hot spring at medyo nasa bundok ang pupuntahan namin, maganda daw doon sabi ng kaibigan nila Mamayang gabi ang baby shower ni Mika, siguradong masusurprise sya. Pupunta din si Migz sa venue, invited din sya, at mang iintriga nanaman yun sa amin ni Jairus, lagi na lang niya akong tinutukso kahit alam niyang bawal. Ilang oras din ang byahe, buong byaheng tulog ang anak kong si Kit. "dito na siguro yun hon.." "muka nga, ibaba mo na yung gamit, ako na bahala kay Kit.." Saktong pagbaba namin sinalubong kami ng ibang kaibigan nila Mika at Elis, at pati ni Migz na feeling close sa kanila. "ang tagal niyo naman.."reklamo ni Migz "alam mo naman si