Chapter fifty seven KAE'S POV'S Kahit tanong ng tanong si kuya Drex sa bus na sinakyan namin kanina ay hindi ko sya magawang sagutin, nakauwi na kami dito sa dati naming bahay. Lutang na lutang kase ako simula nang nakita ko si Jairus. Lalo na nung nakita ko syang umiiyak. Ayoko magsisi sa ginawa ko, dahil para kay Kit ang lahat ng ito, natatakot lang ako na baka madamay sa gulo si Kit at kung anong masamang mangyare sa kanya. Maintindihan sana ako ng lahat sa ginawa ko, at hwag niyo sana ako agad na husgahan. Naninibago ako dito sa bahay, madaling araw na nang makarating kami, tulog na si Kit, nasa kwarto ko sya, habang sila mama at kuya ay nasa ibaba, siguro nag uusap ang mga yun tungkol sa akin. Dahil ni isa sa kanila kanina ay hindi ko kinikibo nang makarating kami dito sa baha