Austeja I couldn't feel the ground beneath my heeled shoes as I walked back to our table. Hawak ko man si Eian pero mas mukhang ako pa ang iginigiya ng anak ko habang naglalakad kami. Hindi ako makapag-isip nang maayos. Hindi ko rin alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga nangyari--sa mga ginawa ni Zigger. Wala naman akong narinig na mga tanong sa mga magulang niya, subalit alam kong nahihiwagaan na sila sa ginawa ng anak. Marami na rin sigurong mga tanong ang nabuo sa isipan nila ngayon. Ganoon din siguro si Mama at Thea. Gusto ko mang lumingon sa likuran subalit hindi ko magawa dahil alam kong nasa likod lang si Zigger, nakasunod sa amin habang buhat-buhat pa rin si Naia. I'm one hundred percent sure that other people have questions running inside their heads about us now. Panigura

