Zigger Nakatingin ako sa mga papel na hawak ko sa isang kamay habang pinaglalaruan ko ang pang-ibaba kong labi gamit ang hintuturo kong daliri. Things like these shouldn't bother me. These are just some papers that I could easily crumple or even burn into ashes. Wala naman talaga sa plano ko na pakialaman ang mga ito dahil hindi ko ugaling makialam sa mga bagay na hindi naman sa akin. I didn't even know that Austeja's been hiding something from me. Lahat naman ay sinasabi niya sa akin, lalo na ang mga nangyayari sa kanya sa loob ng paaralan. She doesn't let me miss some happenings, and I always make sure to ask her about her day at the university just to know everything went well for her. Hindi naman nabuhay ang pagdududa ko simula noong maging kami kahit na alam kong iba-ibang lalaki