"Gusto ko ng mais dali!" nakangiting sabi ko sa kanya. "Yung mga luto na." Nakunot niya ang noo niya at napatingin sa orasan. "It's 11:53 in the evening Aika. Where do you want me to buy those?" humalukipkip ako at ngumuso. "Malay ko bakit ako tinatanong mo? Tindera ba ako ng mais? Maghanap ka, nag crave ako sa mais." huminga siya ng malalim at hinilot ang sentido niya. "Magaling naman na ang sugat mo diba? Kaya mo yan." tukoy ko sa sugat niya sa tagiliran niya. Tumayo siya sa gilid ng kama ko at kinagat ang labi niya. Napakurap ako sa itsura niya ngayon. Hindi ko alam kung nangaakit ba siya o talagang frustrated lang siya. "Okay." tipid na sabi niya at tumalikod. Napangiti ako at napasandal sa headboard. Tatlong araw na ako sa ospital, kung tutuusin pwede na akong madischarge. Sadyang