Tinanggal ko ang kamay ko sa mukha ko at nakita ko ang galit na mukha niya habang nakatingin sa sugat ko. "L-Louie.." umangat ang tingin niya sakin nang banggitin ko ang pangalan niya. "Iiwan mo na ba ako? Aalis ka na ba?" patuloy na tumulo ang luha ko. "What the hell are saying?" galit na tanong niya. "Aalis ka na diba? N-Nakita ko paalis na y-yung kotse mo kanina.." nagsalubong ang kilay niya at kumunot ang noo sa sinabi ko. Maya maya pa ay mariin itong pumikit. "Damn Aika! That's not my car!" natahimik ako sa sinabi niya. "Let's go inside. Look at you.." bumaba ang tingin niya sa tuhod ko at umigting ang panga niya. "f**k. You're making me mad." kinarga niya ako gamit ang dalawang braso niya. "Cover your head. You'll catch a cold." matigas na sambit niya. Tinitigan ko ang mukha niya